Agawan ng Lupa; Bebot, Tinarakan

NASA KRITIKAL na kondisyon ngayon ang isang 52-anyos na ginang makaraang saksakin ng kanyang pinsan dahil sa agawan sa lupa sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Marites Ali, residente ng Sitio Mahalinpag.

Arestado naman ang suspek na si Lorenzon Cañeso, 43 anyos at residente rin sa lugar.

Sa ulat ng Bato Municipal Police Station, matagal nang may-alitan ang bawat pamilya ng panig dahil sa pinag-aagawang lupa sa lugar.

Sinasabing sinugod ni Cañeso ang biktima nang malamang nakikipag-usap ito sa mga taong may nalamaman hinggil sa pagtititulo ng lupa.

Dito nagtalo ang dalawa at dahil mas malakas ang bibig ni Ali ay napikon ang suspek kaya naman hinugot ang kanyang bitbit na sundang saka isang beses na sinaksak sa bandang hita ang biktima.

Mabilis namang inawat ng kaanak ang suspek kaya hindi na naulit ang pananaksak habang isinugod sa ospital ang biktima.

Arestado naman si Cañeso at sinasabing sasampahan ng attempted murder.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.