AGAW-PANSIN: BOOBS NI ANDREA TORRES, NAGPUPUMIGLAS!

Andrea Torres

KUNG BEKI KA (read: bakla) ay madi-distract ka sa laki ng boobay (bumper, boobs, dyoga) ng sexy actress na si Andrea Torres.

 
Mapapatingin ka kasi sa medyo may kalakihan niyang boobs na ang suot pa naman din niya last night sa media launch ng bagong serye ng GMA Kapuso Network na Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood (or Alyas Robinhood 2) na bida si Dingdong Dantes ay body hugging sexy gown na ang accent ng kanyang suot ay naka-focus kung saan exposed ang cleavage ng kanyang malaking boobs.
 
Ang mga kalalakihang press photographers, nagpista sa kanilang pag-picture sa dalaga. Maging sila, nakipag-pikturan sa dalaga.
 
Si Andrea naman, she plays Venus na lady love ni Pepe de Jesus na isang “Lawyer of the Poor” na tagapagtanggol ng mga mahihirap at inaapi.
 
Pero bukod sa pagiging isang sexy hot bod si Andrea, sa media launch, hindi nakalusot ang sexy star sa media tungkol sa mga isyus na pinupukol sa kanya.
 
 
Is it true na kaya siya umalis sa Triple A Management na parehong nagha-handle sa career nila ni Marian Rivera ay dahil diumano sa ayaw ng misis ni ‘Robinhood’ sa kanya personally?
 
Simple lang ang sagot ni Andrea sa press tungkol sa isyu.
 
“Maayos po kasi akong nakaalis sa Triple A. Masaya ako doon. Ayaw ko na pong idetalye kung bakit, “ obyus na ayaw na sagutin ng direkta ng dalaga kung may kinalaman si Marian sa kanyang pamamaalam sa Triple A.
 

Andrea Torres, Dingdong Dantes and Solenn Heussaff

Dagdag pa ni Andrea: “Happy ako kasi walang nasirang relasyon sa amin ng Triple A. Kumbaga, hindi naman ibig sabihin na kapag naghihiwalay kayo, negative na. Ang maganda sa amin, naghiwalay kami nang maayos,” paliwanag niya.

 
Si Marian ba ng dahilan ng pag-alis niya sa dating management company? Hindi na sinagot ni Andrea ang isyu. 
 
Marahil, tama ang hinala ng nakararami sa tunay na dahilan.
 
By the way, sa Lunes, August 14 na mapapanood Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood kung saan makakasama ng sexy na si Andrea sina Solenn Heusaff, Ruru Madrid, Edu Manzano at Jaclyn Jose sa direksyon ni  Dominic Zapata on primetime sa GMA Kapuso Network.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.