AGAW-EKSENA TALAGA… EX-BEAUTY QUEEN, MAY SARILING ‘PICTORIAL’ SA ISANG KASALAN!

NAITANONG NI CRISTY Fermin sa panayam nito kay MTRCB Chairman Mary Grace Poe para sa Paparazzi kung napatawad na ba niya ang mga nanglait, nagpatutsada at dumungis sa magandang pangalan ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr. noong tumakbo itong pangulo ng bansa?

“Mahirap kasing magpatawad lalong-lalo na kung hindi naman humingi ng kapatawaran. Hindi man nila naiisip na meron silang masamang ginawa, o hindi nila pinapakita na mali ‘yung ginawa nila, so para sa akin, hindi ko lugar na magpatawad sa mga taong hindi naman nagsasabi,” sagot ni Mary Grace.

Nabanggit din ng TV host-columnist na baka sa susunod niyang panayam kay Mary Grace ay hindi na sa opisina ng MTRCB kundi sa bulwagan na nang Senado.

“Sa ngayon, hindi ko masasagot ‘yan, lalo na ngayon, tama ‘yung sinabi ng mga tao, huwag muna akong mag-consider na tumakbo for the Senate dahil wala pa akong experience sa public service. Nakikita ko pa lang ito ngayon, gusto ko munang patunayan kong kaya ko ba talaga, kung may magagawa akong maganda,” pahayag pa ng MTRCB chair.

WALA NANG MAKAKAPIGIL pa sa pagkakaroon ng ‘Babaeng Hampaslupa Fever’! Hindi lamang ito tinutukan ng sambayanan nu’ng pilot week kundi maging sa pangalawang linggo nito ay tinambayan pa rin ng madla para subaybayan ang kuwento ni Grace, ang karakter na ginampanan ni Alex Gonzaga.

Kabado man nu’ng una, todo-ngiti na si Alex na walang kapagurang pinatunayang hindi nagkamali ang pamunuan ng TV5 sa pagpili sa kanya bi-lang bida sa Babaeng Hampaslupa. Kahit abala sa kabi-kabilang shows sa Singko, hindi ito hadlang para kay Alex para magtext gabi-gabi sa kanyang mga kaibigan upang mag-imbitang manood ng teleserye.

Kaya sa lahat ng bumubuo ng palabas, isang malaking pagpupugay. At siyempre, congratulations!

BLIND ITEM: KINSA siya? Nakakatuwa ang kuwento ng aming very ‘unimpeachable’ source sa isang kasalan na kanyang dinaluhan. Agaw-eksena daw itong former beauty queen sa pictorial ng bagong kasal.

Ang kuwento, pagpasok sa garden ng bagong kasal sa hotel kunsaan gaganapin ang reception, siyempre, pictorial daw muna ang newlyweds para naman may souvenir sa hotel. Abalang-abala ang mga photographers sa pagkuha ng mga litrato sa  bagong  kasal  nang  napansin   ng  aming source na sa kabilang banda ng garden, itong si former beauty queen ay litrato nang litrato sa kanyang sarili.

May eksena pang para siyang model at nakatayong paseksi na humawak sa  puno  ng niyog na parang nang-aakit. Tawanan ang mga nakasaksi ng eksena ng former beauty queen dahil hindi talaga siya tumigil hangga’t hindi rin natapos ang pictorial ng mga ikinasal.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “AGAW-EKSENA TALAGA… EX-BEAUTY QUEEN, MAY SARILING ‘PICTORIAL’ SA ISANG KASALAN!

  1. ay basta ako kay alex at cyempre sa lahat everyday akong nanonood magagaling clang lahat kya ndi ako namimili ktang kta naman ndi lang c alex dixson ang nagdadala lahat cla at baka naiinggit lang cla kay alex ganyan naman ang mga pinoy laging binababa ang isang tao dapat itaas kahit cnong artista kapamilya kapuso or kapatid…gayahin ninyo ang mga chinese nagtutulungan ndi nagiinggitan korrekorekok ba?

  2. tamaaaa,,diba ayaw ni susan roxces sa pulitika,,,,o echos lang yon!!,…ewww,..wala pa ngang nagagawa si grace,,senado na!!grrr,..ano yun!kaya tayo pumapalpak sa mga nakaupo jan e,,basta lang ba sila uupo,,,no!they must show wat theyve got…bi;lang nasa posisyon,,,more actions than words,,,

    EXCUSE ME,,,kahit sinong kausapinm mo,,,hindi po si alex ang dahilan ng pagtaas ng rate ng BH,,ok,,excuse me,,,sa mga nababasa ko nga,,laging si ALICE DIXSON ang bukang bibig ng tao,,,maging sa twit,,si ALICE DIXSON ang rason bakit ako nanonood ng BH,,ok,,wala ng iba,,,at hindi kay alex,,,yuck!!,walang apil o dating si alex.,,.walalaaa….

    • yes I agree…hindi si Alex Gonzaga ang nagdala ng show…gumising kayo..reality bites.the show is a power house..Highly Caliber actors of the philippine tv and cinema..malalaman mo ang bigat ng isang actress o actor kung kaya nyang dalhin ang show na wala syang kasamang sikat na puro bigatin….duh…marami pa xang kakaining bigas bago mo masasabing magaling xa o sikat o xa nagdadala ng show…

      • Agree ako sa yo. Tingnan natin kung wala ang mga magagaling na artists sa show na yon, mag rate pa kaya ang show na yon? Alice Dixon is a very good actress and pretty too/.

Leave a Reply

Your email address will not be published.