AGAW-EKSENA ANG ISANG aktres sa presscon ng pelikulang kasama siya, pero hindi naman siya ang bida.

AGAW-EKSENA ANG ISANG aktres sa presscon ng pelikulang kasama siya, pero hindi naman siya ang bida. Palibhasa ay may mga isyu naman kasi ang dalawa niyang anak: in the family way uli ang kanyang panganay, habang nung December 2011 lang ikinasal ang kanyang bunso.

Bukod dito, may sarili ring isyu ang aktres on two accounts. Una, ang nararamdaman niyang lungkot ng pag-iisa dahil may mga sarili nang buhay ang kanyang mga anak, kung kaya’t umaasa siyang makakatagpo ng makakatuwang na niya sa buhay hanggang sa kanyang pagtanda.

Ikalawa, ang hindi niya isinasarang posibilidad, God willing, na magkabalikan sila ng kanyang ex-husband na isa namang TV host-film producer.

Marami ang naging reaksiyon sa unang isyu sa aktres. Ilang attempts na nga ba at finding Mr. Right ang kanyang sinuong, only to end up separated from her partners? May mga nagsasabi tuloy na baka wala sa mga nakarelasyon ng aktres ang diperensiya, kundi sa kanya mismo na tila mahirap daw pakisamahan.

Pero mismong ang ex-husband ng aktres ang nag-react na sa ikalawang isyu. Corny’ng-corny raw ang dating ng kanyang ex-wife!

Kilalang chickboy ang dating kinasama ng aktres, halos lahat ng mga nakarelasyon nito’y di-hamak na mas bata kesa sa kanya. May edad na rin ang TV host, kukuha pa rin ba siya ng babaeng matanda na rin? At kelan pa, sa kasaysayan ng makulay na buhay-pag-ibig ng TV host, na meron siyang binalikan sa mga dating karelasyon?

Kaya para sa ‘ilusyunadang’ aktres… magdusa siya! Joke!

(Ronnie Carrasco)

loading...

5 thoughts on “AGAW-EKSENA ANG ISANG aktres sa presscon ng pelikulang kasama siya, pero hindi naman siya ang bida.

Leave a Reply

Your email address will not be published.