Agaw-buhay na anak, ‘di agad inintindi
Nurse, sinapak ng nabuwisit na ama

DAHIL SA hindi umano agad pag-asikaso sa kanyang anak, isang ama ang nanapak ng nurse sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa San Carlos City.

Nagdilim umano ang paningin ni Tereto Catunggal ng bayan ng Malasique matapos itong hindi pansinin ng nurse na nakilala sa pangalang Mark Anthony nang tatlong beses upang asistihan ang nag-aagaw buhay nitong anak dahil sa tetanus.

Depensa ni Catunggal, nagdilim ang kanyang paningin kaya’t nagawa nitong sapakin ang nurse.

Agad naman itong napatawad ng biktima ngunit inamin na naisipan din nitong gumanti ngunit pinairal ang ma-lawak na pang-unawa at pagiging propesyunal.

Samantala, iim-bestigahan pa rin ng pamunuan ng PPH ang insidente bilang bahagi ng kanilang standard operating procedure.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.