Agarang pagre-resign nina JPE, Bong at Jinggoy, inihirit

INIHIRIT NG grupong Scrap Pork Network ang online petition para sa agarang pagbibitiw nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. matapos irekomenda ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder at graft hinggil sa PDAF scam.

Ang nasabing online petition na makikita sa website na Change.org ay inilunsad nitong Sabado ng hating-gabi ng nabanggit na grupo na nasa likod din ng “Million People March” protest sa Luneta noong nakaraang taon, kung saan ay umabot na sa mahigit 4,000 na lagda.

Iginigiit sa petisyon na “i-pressure natin silang magbitiw sa tungkulin nila! Sa ibang bansa, bahid lang ng korapsyon, nagre-resign na ang mga opisyales. At kung hindi magre-resign sina Estrada, Revilla at Enrile, hamunin natin ang Senado na patalsikin sila.”

Hinamon din ng nasabing grupo ang Senado na gumawa ng kaukulang hakbang para sibakin ang tatlong mambabatas na anumang araw ay kakasuhan na ng plunder at graft ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Hinggil dito, inihirit din ni Sen. Francis Escudero ang pagbuo ng ethics committee na siyang titimbang sa online petition na humihiling na umalis na sa puwesto (kusa o puwersado) sina Enrile, Estrada at Revilla.

“Well, number one to begin with before any expulsion or suspension can be initiated dapat maporma muna ‘yung ethics committee na hanggang ngayon ay hindi pa napoporma,” ayon sa  senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.