Aga Mulach, balik-pelikula kasama si Regine Velasquez – Boy Abunda

AGA MUHLACH IS back on the big screen! Abala siya ngayon sa shooting ng kanilang balik-tambalan ni Regine Velasquez na Of All the Things which is a romantic-comedy directed by Bb. Joyce Bernal. Excited si Aga sa kanilang reunion movie because it has been almost nine years since the last time they made Dahil May Isang Ikaw and Pangako… Ikaw Lang.

Marami ang nami-miss mapanood si Aga sa telebisyon at pelikula. Huli natin siyang napanood sa pelikulang When Love Begins with Anne Curtis last year.

Hindi pa rin kumukupas ang kaguwapuhan ni Aga. Hindi nabago ng panahon ang boyish-look niya. Kaya naman kahit sa mga young actresses ay puwede siyang i-pair gaya nina Anne, Angelica Panganiban (A Love Story), Claudine Barretto (Dubai) and Kristine Hermosa (All My Life).

I think one of the reasons why Aga looks eternally young is because he is happy and content with his life. He is blessed with a beautiful and loving wife, Charlene, at mayroon siyang lovely twins na sina Atasha at Andres na habang lumalaki ay lalong nagiging kamukha ang kanilang magulang. Hindi ba nakikita sa aura ng isang tao kung masaya at panatag siya inside-out? At hindi ito kayang pantayan o bayaran ng kahit anumang kayamanan sa mundo.

Aga has turned into one of the country’s best actors. From starring in teeny-bopper films, he is now one of the most sought-after actors dahil sa galing niya sa pag-arte mapa-comedy man o drama at mapa-telebisyon man o pelikula. Patunay rito ang kanyang mga napanalunang acting awards bilang Famas Best Actor (Sinungaling Mong Puso), Gawad Urian Best Actor (Sana Maulit Muli) at Gawad Urian Best Supporting Actor (Napakasakit, Kuya Eddie). Kung noon siya ang boy-next-door Bagets na si Adie na may sariling trip sa buhay, today he is now a father who deals with his kids’ personal trips. And Aga is a cool dad.

Looks like we’re seeing more of Aga next year. Sinasabing may naka-line-up din siyang mga movie projects like his reunion movie with Lea Salonga na nakasama niya sa mga pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal at Sana Maulit Muli and a movie with Angel Locsin.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Aga Mulach, balik-pelikula kasama si Regine Velasquez – Boy Abunda

  1. Tulo laway ng gmeeew kay Aga hahaha! masyadong atat sa talents ng dos haha.! Mabuti naman Aga di ka lumipat sa gmeew dumpsite kasi mapapagaya ka kay Goma overexposed pero walang kinang haha!

  2. my gulay anong yari kai aga ang taba last movie nya with anna papablec aga what happen hehehheeh parasiguro d awkward kai blayena regine kaya siguro di ng diet c papa aga

Leave a Reply

Your email address will not be published.