Aga Muhlach, pinagsawaan ni Angel Locsin sa Japan!

AGA MUHLACH IS paired with Angel Locsin in a new movie under Star Cinema. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa isang pelikula sina Aga at Angel. Lumipad sila kamakailan patungong Japan kasama si Direk Olive Lamasan para kunan ang ilang mahahalagang eksena sa pelikula.

Sa kanilang pag-uwi sa bansa, baon nila ang mga magagandang alaala ng kanilang mga naging karanasan sa Japan. Ayon kay Aga, “Mahirap talaga, kasi summer ngayon. Napakainit talaga. We were trying to shoot the scenes sa labas, mga exteriors, so nasa kalye kami the whole time. Ang mga tulog namin doon paunti-unti lang.”

Dagdag ni Angel, “Pagod talaga kung pagod. Lakad ka, paltos-paltos ‘yung paa mo, pero tiniis mo ‘yun lahat, kasi alam mong nagtitiis din si Inang (Direk Olive), si Kuya Aga… kahit pawis-pawis na, game na game talaga. Ang hirap lang talaga sa Japan. Minsan, one shot kailangan mong ma-perfect. Pumunta kami ng Mount Fuji. Napakaganda pala roon. Sabi nga nila, ‘yung nakunan namin, bihira lang ‘yung Mount Fuji na ganoon ka-visible.”

Nag-bonding talaga sina Angel at Aga while shooting the movie dahil six consecutive days silang magkasama. “Halos magkasawaan na kami. Six days kaming laging magkasama, laging magkausap. Sabi niya (Aga) sa akin, ‘Gel, wala kang choice. Magkakasawaan tayo ng mukha rito.’ Pero masaya. Iba ‘yung passion ni Mr. Aga Muhlach sa trabaho niya, walang kupas,” sabi ni Angel. On his part, Aga has only good words for Angel because she loves her work.

Hindi pa rin kumukupas ang kaguwapuhan ni Aga. He looks eternally young at hindi nabago ng panahon ang boyish look niya. Kaya naman kahit sa mga young actresses, puwede siyang i-pair gaya nina Angel, Anne Curtis (When Love Begins), Angelica Panganiban (A Love Story), Claudine Barretto (Dubai) and Kristine Hermosa (All My Life).

Looks like we are seeing more of Aga both on television and in the movies. He has a television show M3 (Malay Mo Madevelop) with Ai Ai delas Alas on ABS-CBN.

Kung first time ni Angel na makatambal si Aga sa pelikula, si John Lloyd Cruz naman ay una niyang makakasama sa kanyang upcoming ABS-CBN primetime teleserye titled Imortal.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

11 thoughts on “Aga Muhlach, pinagsawaan ni Angel Locsin sa Japan!

  1. MARAMI NANG KAPWA ARTISTA ANG MATATAKOT NA MAKATABI SI MARIEL. BAKA NGA NAMAN MAPINTASAN SILA SA LIKURAN O MAI-TSISMIS NI BACKSTABBER TSISMOSA.

  2. Napahiya ba si Bianca sa SNN nang bigla siyang sabihan ni Mariel nang “Baket, mukha bang plinano namin ang interview? “. . .

  3. Here are titles for a Robin and Mariel movie per a poster in PEP : ANG NAGMUMURANG KAMATIS AT ANG NAGMUMURA, BAHAG MO BAHAG KO (IN REFERENCE TO THEIR BAGUIO WEDDING CEREMONY) , AH BASTA, TAYO ANG BIDA (ON A MOVIE THAT THEY INSIST ON BEING THE STARS ). Ha, ha, ha. . . Anyone have other suggestions? Please post them and make our day. . .

  4. si angel pinagsawaan kami sawang sawa na sa kanya…kahit pa binayaran ng abs ang fhm para mag no.1 sya sa listahan eh..ano nangyari..wala pa rin…peke kasi pagkapanalo!

    • how do you know that ABS paid somebody for Angel to be #1 sexiest? Were you there with ABS and the other party when this negotiation happened? Just want to know where you got your sources to make it clear to everyone to be fair.

  5. sorry sa mga fans ni angel…hindi sya gnong pinansin dito sa japan she’s sexy but not that beautiful na tlgang magsesecond look ka…aga is still aga but…prng kumupas na ung look na b4.medyo old looking na po sya

    • SINABI MO. FAKE NA FAKE PA ANG INTERVIEW NILA NI BIANCA KAY ROBIN AT MARIEL. PARANG STAGED. PURO PAPURI AT INIWASANG MABANGGIT ANG INTRIGA. BOY ABUNDA’S CREDIBILITY IS NOW QUESTIONABLE IF NOT AT STAKE BECAUSE OF HIS TALENT, MARIEL.

Leave a Reply

Your email address will not be published.