Aga Muhlach, nagpaparamdam ng pagbabalik-showbiz

AFTER NG pagkatalo sa nakaraang eleksyon sa Camarines Sur, nagpaparamdam ang aktor na si Aga Muhlach. May katabaan siya ngayon, kuwento ng manager na si Manay Ethel Ramos. Nagpapapayat siya bago makabuwelo muli sa showbiz.

Kaya nga si Quezon City Mayor Herbert Bautista, naghihintay sa panunumbalik ng dating “hunky” built ng aktor para masimulan na ang pagsasama nilang muli sa pelikula.

Kuwento nga ni Mayor Bistik as film producer of Heaven’s Best Entertainment, plano niyang i-revive ang pelikulang Bagets na naging hit at nagpasimula ng bagets look during the ‘80s.

Ngayong aktibo ang Bautista siblings (Herbert, Hero and Harlene) with their film outfit; all out sila sa mga susunod na panahon na mag-produce ng pelikula at kabilang na nga ang Raketeros na first movie directorial job ni Randy Santiago na showing na this Wednesday.

Ang kontrobersiyal film ni Joel lamangan na Burgos na pinagbibidahan ni Lorna Tolentino na tungkol naman sa buhay ng nawawalang si Jonas Burgos at ang ina nito na si Editha at ang kuwento ng mga “desaparecidos”.

“I just hope maging successful ang projects namin so I can help in my own little ways sa movie workers,” kuwento ni Mayor Bistik sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

6 thoughts on “Aga Muhlach, nagpaparamdam ng pagbabalik-showbiz

  1. Balik showbiz ka na lang idol Aga! Keber kahit mataba ka, ang importante ang akting. I’m sad natalo o mukhang nadaya sya sa eleksyon , ramdam mo talaga sa mga interviews nya ang sincerity na maglingkod at makatulong sa mga tao sayang hindi sya nabigyan ng chance na mahalal at nung maski nung active sya sa showbiz wala kang nabalitaan na winalanghiyang tao Sana sa abs cbn n lng sya uli.

  2. Okay lang na bumalik sya… magaling naman syang artista eh … basta wag lang syang sobrang magpacute kasi style nya yan .. noon ok pero ngayon na matanda na sya di na bagay… nakakadiri na!!!

  3. AS IF ME INTERESADO PA SA KANYA LOL AT DI NGA NARAMDAMAN MGA SHOWS NYA SA TV5 NO! PARANG NAG RETIRE NA RIN SYA LOL KAPAL APOG! TALUNAN KASI SA ELEKSYON KAYA BALIK SHOWBIZ NANAMAN!!! KALA KO BA MAG MIMIGRATE NA DAW SILA KUNO SA STATES??? TAGAL NA NYA YANG PA PRESSCON TILL NO ANDITO PARIN YANG LAOS NA YAN

Leave a Reply

Your email address will not be published.