Aga Muhlach, lilipat na rin sa Singko?!

SI AGA MUHLACH ba ang tinutukoy sa blind items na ‘sikat na aktor’ na bagong ‘Kapatid’ sa TV5? Sa isang panayam sa aktor, hindi niya ito kinumpirma at hindi rin idinenay. Wala namang imposible kung sakali, kung wala nang obligasyon si Aga sa ABS-CBN. At wala rin naman tayong nababalitaan na bagong proyekto ang aktor sa Dos.

Last Wednesday, nakasalamuha namin sa Christmas party ng Philippine Movie Press Club ang manager ni Aga na si Manay Ethel Ramos. Gustuhin man naming kumpirmahin sa kanya ang ‘blind items’, tiyak namang ngiti lang ang isasagot sa amin ng past prexy ng PMPC.

Tulad ng madalas naming isulat, agre-sibo ang TV5 ngayon sa kanilang programming. ‘Head-on’ ‘ika nga ang ginagawang pakikipagsalpukan ng istasyon sa Siyete at Dos.

MAY ANAK PALA si Cherie Gil kay Leo Martinez. Open secret naman daw ‘yon sa showbiz, pero marami nga ang hindi ‘yon alam. Sabi pa ng mahusay na aktres, good friends naman daw sila ni Leo. In fact, close din si Cherie sa wife ng actor-director na nagngangalang Gina. Sa ngayon, nasa abroad ang anak ni Cherie kay Leo at doon ito nag-aaral sa kolehiyo.

Separated na rin si Cherie sa violinist husband niya na si Roni Rogoff. Tumagal din ng 20 years ang pagsasama ng dalawa. Maayos naman daw ang hiwalayan ng dalawa. Dagdag pa ni Cherie, mas naging close daw sila ngayon ni Roni.

Pero hindi naman daw nagmamadali Cherie na magkaroon agad ng panibagong mamahalin sa ngayon. ‘Party girl’ daw muna ang drama niya ngayong very much single na siya.

WALA NANG MAAANGHANG na tweet si Cristine Reyes patungkol kay Sarah Geronimo. Ang dahilan, mismong ang Viva big boss daw na si Vic del Rosario ang nagpatigil nito. Parehong talent ng Viva sina Cristine at Sarah.

Ayon sa isang witness sa seemingly harmless joke ni Sarah tungkol sa ‘mga lalaking mahusay magsayaw kaya habulin ng mga babae na sexy’, ang dapat sisihin kung bakit nag-init nang husto itong si Cristine ay ang nagparating nito sa huli. “Masyado yatang na-exaggerate ang biro ni Sarah,” sey pa ng witness.

At ganoon na ba talaga ang ‘power’ ng Pop Princess para manipulahin ang ASAP XV? Sa bakuran ng ABS-CBN, hindi siguro. Pero sa Viva… puwede!

P300 THOUSAND ANG donation ni Manny Pacquiao sa cash prizes na ipina-raffle sa Christmas party ng GMA-7 para sa press last Tuesday. Nu’ng una, P100 thousand lang. Dinoble ni Pacman. Pero para mas maging masaya ang party, itinodo niya na ng P300 thousand. Kaya naman, tuwang-tuwa ang entertainment press that night.

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.