Aga Muhlach, irita kina Sharon Cuneta at Vilma Santos?!

OLA CHIKKA! HABANG tinitipa ko ang aking mga chikka ay agad-agad hinirit sa akin ng aking parazzi girl ang tungkol sa paglilitis sa kaso ni Willie Revillame laban sa ABS-CBN. Hanggang ngayon, hindi pa rin napagdedesisyunan ng korte kung tuluyan na ngang mawawala ang Willing Willie sa ere, kaya magkakaroon muli ng hearing sa Huwebes at Biyernes.

Ibig sabihin, tuloy pa rin ang Willing Willie kasabay ng mga kadramahan ng host nitong si Willie Revillame. Nakatulong kaya ang pagbibigay niya ng jackpot prize na kotse, bahay at pera sa kanilang contestant noong Lunes ng gabi kaya medyo napahaba pa ang airing ng kanilang show? Eh, ‘di kung ganu’n, ito ay isang good news para sa mga contestants na makapaglalaro bago pa man madesisyunan ang kanilang kaso.

HANGGANG NGAYON, HINDI ko pa rin mawari kung ano ba talaga ang problema nitong si Vilma Santos sa kasabayan niya dati na si Nora Aunor. Bulung-bulungan kasing ayaw niyang makasama sa isang project itong si Ate Guy at mas gugustuhin pa niyang makatrabaho si Sharon Cuneta.

Ang rason naman kasi ng Star for all Season eh, masyado siyang busy sa mga proyekto lalo na ang kanyang concentration ay nasa mga Batangueño. Ang tanong ko naman, bakit ‘pag sa Megastar ayos lang, pero sa Superstar eh, hindi? Napag-isip tuloy ako na maaaring hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap na mas sikat pa rin sa kanya si Nora at laging pangalawa lamang siya kaya nga ito tinawag na SUPERSTAR. Tingin n’yo?

KUNG TINATANGGIHAN ni Vilma na makatrabaho si Nora, gayundin naman daw ang pagtanggi nitong napakaguwapong si Aga Muhlach na makatrabaho sina Sharon Cuneta at Vilma Santos. Nabalitaan kasi ng aking parazzi girl na walang tinanggap na proyekto itong guwapong aktor na kasama ang dalawa.

Ano kaya ang galit ni Aga at nagawa niya iyon o sadyang hindi niya lang feel ang dalawa dahil ilan sa mga kumentong narinig ko ay kaya raw ayaw ng aktor, dahil itong si Sharon ay pagkalaki-laki na ng katawan na parang drum at halos mukhang tita na niya, habang si Vilma naman ay nakikita na ang sign of aging na nagmumukha nang lola ni Aga. Anong mga komento ba naman iyon, hindi ba? Hmmm… Sa tingin n’yo?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong sexy actress na winner na winner pagdating sa drama? Hindi lamang sa mga teleserye ang pagdrama niya kung hindi maging sa press conference ng isa nilang project ay umagaw-eksena pa siya!

Ang chikka kasi, nasa isang presscon si sexy actress, kung saan pinaalalahanan ang mga reporters na mag-concentrate sa project at huwag nang magtanong sa nakaraan ng sexy actress. Sa kasagsagan ng presscon, nagtanong ang isang late na reporter kay sexy actress at inungkat ang kanyang nakaraan. Kaya walk-out ang drama ni sexy actress at hindi na talaga nagbalik. Galit na galit ang mga press at ayun, naglisanan ang mga tao at nilangaw ang presscon.

Masaklap ang nakaraan ni sexy actress, ngunit dapat ay naging mas professional sana siya dahil kung sakali mang nakalimutan niya ay ibibigay ko na rin ang clue na sa insidenteng iyon mula sa kanyang nakaraan kaya siya nakilala at nagkapangalan. Ano ‘di n’yo pa rin gets?!

Paki subaybayan na lamang po sa aming programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:NN at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleJulia Montes, p’wedeng pam-beauty queen
Next articleIvan Dorschner, ‘di takot masapawan ng sandamakmak na kasama sa show

No posts to display