Aga Muhlach, handang makipag-kissing scene kay Ai-Ai delas Alas!

KUMPIRMADO AT MALAPIT nang magsimula ang taping ni Aga Muhlach para sa kanyang pinakabagong show sa ABS-CBN. Matatandaang muntik na ngang lumipat ng istasyon itong si Aga kundi lang napigilan ng ABS-CBN ang kanyang pagtawid ng bakod. At ngayon nga, magsisimula na muling gumiling ang kamera para kay Aga Muhlach at sa pagkakataong ito, hindi naman sitcom ang kanyang gagawin.

“Actually, it’s not a sitcom. Para siyang romantic comedy na series. Hindi siya teleserye na everyday. Every week siya and masusundan siya ng mga viewers. Tapos hindi rin kami sa studio magsi-shoot. Naka-location kami,” pahayag ni Aga.

Naunang napabalita na gustong makasama ni Megastar Sharon Cuneta sina Aga at Ai-Ai delas Alas sa isang sitcom, at ang tanging sagot ni Aga ay, “Sana nga, e. Sana makasama siya. Pero ito kasing project na ito is open to grow. Kahit ano and kahit sino puwede pang sumama rito.”

Excited naman si Ai-Ai sa project na ito with Aga dahil pangarap din naman niyang makatrabaho ang guwapong aktor. Pati nga kissing scene na posibleng mangyari sa kanilang show ay inaprubahan ni Aga. “Posible namang mangyari iyon.” Sagot ni Aga, kung saan ang kanilang characters sa ‘rom-com’ project ay mag-girlfriend. Banat naman ni Ai-Ai, “Choosy pa ba ako? Siyempre okay na okay ako du’n.”

Magsisimula na nga ang kanilang taping sa month of May at sa Tagaytay ang kanilang napipisil na location. Biro nga ni Ai-Ai, pabor na pabor ang location kay Aga, dahil doon sila nakatira.

Five days na lang pala ang natitirang shooting days nina Aga at Regine para sa kanilang nabinbing movie under Viva Films. Kinumpirma naman ni Aga na tuloy na tuloy na ang kanilang comeback movie ni Lea Salonga sa November. “Tinawagan ko nga siya kaninang umaga at sinabi ko sa kanya na ‘O ayan, ha? Ibinigay ko na ang November ko sa yo’, so nasa kanya na ‘yun.”

loading...

3 thoughts on “Aga Muhlach, handang makipag-kissing scene kay Ai-Ai delas Alas!

  1. April 13, 2010
    Visited 8 times, 8 so far today
    under Balita
    Post Tags: Balita, Juan Ponce Enrile, news

    NARARAPAT LAMANG NA suriin ang pag-iisip ng isang kandidato, lalo na ang tumatakbo sa pagkapangulo, ang kundisyon nito sa kalusugan.

    Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Ponce-Enrile, kaugnay ito sa kumakalat umanong pekeng psychiatric report laban kay Sen. Benigno “Noynoy Aquino III, na lumalabas na umano’y may problema sa pag-iisip.

    “That is fair game, dahil he’s going to be the president of the country. He has to make decisions. Eh, kung may topak? Pa’no ‘yun? Dapat na mentally at emotionally stable ang mga kumakandidato sa pagkapangulo,” diin ni Enrile.

    Sinabi pa ni Enrile na kung hindi nabibigyan ng
    kaukulang pagsusuri sa pag-iisip ang isang kandidato, maaring maging kagaya sila ni Roman Emperor Caligula na ginawa niyang consul ang kabayo niya.

    • LANE…Sige..IBOTO MO ANG MANOK ni Juan Ponce Enrile. O kahit sino kina Gibo at lalo pa si Villar kung gusto mo siya.

      Iboto mo kung sino ang kaalyansa ni Gloria Macapagal…at MAG APIRAN NA lang tayo sa ilalim ng tulay ng Pasig River o sa kung saang iskwater tayo pupulutin pag NANALO NA ANG MGA MANOK mong mga KURAKOT. Payamanin pa natin sila ng husto para tayo ay lalong lumubog at maghirap, huh..LANE. Game na!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.