Aga Muhlach at Lea Salonga pakikiligin ang mga manonood ng game show

Aga-Muhlach-Lea-SalongaISANG NAKAKIKILIG na episode ang dapat abangan ngayong Lunes sa Let’s Ask Pilipinas kung saan special guest ni Aga Muhlach ang kaibigang aktres at award-winning international stage artist na si Lea Salonga.

Isang masayang reunion ang magaganap dahil makakasama nina Aga at Lea ang iba pang cast member ng pelikula nilang Sana Maulit Muli na sina Tina Paner, Tata Mara at William Martinez.

Mismong si Aga ay speechless na nagpaunlak si Lea na maging contestant sa daily interactive game show ng TV5. Tinanong pa nga ni Aga kung ano ang favorite line ni Lea mula sa pelikulang kinatampukan nila noong 1995. Balitang nakakikilig ang naging sagot ni Lea.

Panoorin ang special Let’s Ask Pilipinas episode na ito ngayong Lunes, January 27, 7PM sa TV5.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.