Aga Muhlach at Edu Manzano, ‘di uubra kina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! Yes na yes to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly na talaga namang alive and kicking! At siyempre ngayon, nagbi-beauty rest ako sa Cebu at nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sa ‘kin diyan, at talaga namang welcome na welcome kami.

At kahit nasa Cebu ako, ‘di pa rin ako pahuhuli sa mga chikka, dahil talaga namang maloloka ka talaga sa Earth! Bali-balita ngayon na si Aga Muhlach at Edu Manzano daw ay mukhang nagbabalak tapatan sina Tito, Vic & Joey. Naku, ‘te… alam naman talaga siguro ng buong madlang pipol na kahit sino pang tumapat sa kanilang tatlo, hindi mo talaga matatapatan ‘yan dahil super tagal na niyan.

Kung natatandaan n’yo pa nga noon, kahit ang samahang APO ay tinapatan din sina Tito, Vic & Joey, at hindi rin tumagal. Marami nang noontime shows ang nagbalak tapatan ang tatlo, kaya lang naman talaga, hindi sila nag-rate.

Kaya kung ako sa inyo, pag-isipan n’yong mabuti. Kung si ano nga, hindi ko na lang babanggitin ang pangalan, pero alam n’yo na kung sino ang tinutukoy ko, umatras siya kasi mukhang hindi niya talaga kinayang talunin sa ra-tings ang tatlo, ‘di ba?

Maloloka ka talaga sa Earth! Kaya abangan na lang natin ‘yang mga ganyang eksena, kung itutuloy pa ba nila o wititit na… pak!

 

AT HETO NAMAN ang isa pang chikka na talaga namang nakakaloka!

Naaalala n’yo nu’ng nakaraang chinika ko sa inyo na itong si Manny Pacquiao na nagbabalak-tumakbo sa mataas na posisyon? Ang sagot niya rito ay joke lang daw!

Naku naman, ‘te… nagbibitaw siya talaga ng salita tapos ngayon joke na lang daw?! Hahaha! Naloloka kasi talaga ako sa kanya, kaya hindi ko pa rin siya tinatantanan. Na talaga namang kahit daw pagiging judge sa Miss Universe, nais niya ring ma-ging isa sa mga maging hurado du’n. Kaya lang, ‘di siya pinansin ng mga tao du’n. Nakakaloka lang, ‘te… pati ba naman ‘yun, papasukin mo pa?!

Siyempre naman, hindi naman siguro porke’t kilala ka at marami ka nang napatunayan sa ating bansa, credible ka na bi-lang maging isang hurado. Baka naman ‘pag nakita mo ang mga contestant ay matulala ka na at hindi mo alam ang gagawin mo? Hahaha! Nakakaloka ka naman talaga… mag-focus ka na lang kasi kung anong meron ka! Pak! Hahaha!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya talaga itong TV host actress na ito na talaga namang maloloka ka rin sa Earth? Sa dinami-rami kasi ng naging jowa niya, mukhang ‘di tumatagal ang mga boylet sa kanya, dahil sa pagiging attitude problem nito.

Naku, ‘te… hanggang ngayon, feeling niya ay bagets pa siya at feeling niya ay 16 years old pa lang siya. Ayaw niya talagang magpatawag na misis… hahaha! Nakakalurki! Another pak na naman!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

19 thoughts on “Aga Muhlach at Edu Manzano, ‘di uubra kina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon!

  1. Paborito ko rin si Willie, masaki lang sa computer, nagtitiyaga ako basta mapanood ko lang ang WTBT . I admire him for being a kind, generous person, esp. he is not a politician. I was watching his show the other day, this guy was saying that he had a mere P100. pesos to share with his friend to eat. Accidently Willie passed by and gave them P3000. wow this is off cam, I know he is such a giving person. May God Bless Willie with good health at patawarin na lang ang mga inggit na detractors.

  2. Ay,,,,,talagang fan kami ni egp..kasi kahit na sa You Tube lang pinapanood namin siya…at kami ni Edna ay mag-kaibigan….at paborito namin si Willieeeeeee…..  

  3. Ay… naku Christine at egp pareho ang sinabi nyo…..siguro talagang fan kayo ni willie…pero totoo iyon….congrats…… 

  4. Oh, ano kayo ngayon? kayong kumakalaban kay Willie….eh di tikom ngayon ang mga mababahong bibig at mga isip nyo, sa lagi na lamang na puro masama ang sinasabi nyo kay Willie. Oh ano Bianca G, Lea  S, Aiza S, at Angot I, at ikaw Mylene D.at ikaw Aiza at Mylene di ba mas lalu kayong nakaka-suka..i dont need to tell it. basta tignan nyo muna ang mga pag-katao nyo bago kayo mang-husga..Siguro naman ay hihinto na kayo sa kakasipsip sa ABS-CBN para lang kayo mabigyan nang SHOW. Panalo na naman ang aking Paboritong Host…..noon pa alam ko nang mananalo siya sa laban niya sa ABS-CBN, dahil nasa tama lang siya..at tantanan nyo na sana siya……Thanks God at marami naman ang matutulungan nya…..at kayong mga inggit dyan tumigil na kayo,,,puwede…..

  5. Oh, ano kayo ngayon? kayong kumakalaban kay Willie….eh di tikom ngayon ang mga mababahong bibig at mga isip nyo, sa lagi na lamang na puro masama ang sinasabi nyo kay Willie. Oh ano Bianca G, Lea  S, Aiza S, at Angot I, at ikaw Mylene D.at ikaw Aiza at Mylene di ba mas lalu kayong nakaka-suka..i dont need to tell it. basta tignan nyo muna ang mga pag-katao nyo bago kayo mang-husga..Siguro naman ay hihinto na kayo sa kakasipsip sa ABS-CBN para lang kayo mabigyan nang SHOW. Panalo na naman ang aking Paboritong Host…..noon pa alam ko nang mananalo siya sa laban niya sa ABS-CBN, dahil nasa tama lang siya..at tantanan nyo na sana siya……Thanks God at marami naman ang matutulungan nya…..at kayong mga inggit dyan tumigil na kayo,,,puwede…..

  6. Sinabi ko na ito noon..kaya nandiyan pa ang Eat Bulaga dahil sa hosts.  Kaya tumataob ang mga katapat nila, kahit pa meron times, like Wowowee na mas mataas ang rating sa EB eh dahil na rin sa kagagawan ng mga hosts..lumalaki ang ulo at inaangkin na dahil sa kanila sikat ang show. Sa  EB, walang ganito..you can actually see and feel ang pagsasamahan nila..hindi peke, saka natural ang dating nila. Kapag yumayabang na ang iba..Joey and Vic, sinisiguro nila na hindi maging ganoon.  Ang pagtaob ng shows against EB, ang reasons ay yung mga tao roon hindi yung content ng show.  Ito ang success ng EB.

  7. sa mga nagsasabing madaming ginaya ang eb sa wowowee nagkakamali ka bugok. sabagay dun ka sa idol mo sa wowowee na puro mga tanga lang ang mga nanonood nun.

  8. Tatapatan nila ang TVJ at EAT BULAGA tapos sa tv 5 pa kayo eh wala talaga iyan. NASA 2 PERCENT lang ang rating ng HYY sa ABS kung itapat yan ng tv 5 malamang katakot takot na 1 percent lang ang makukuha nilang rating dyan.

  9. Swarding sa totoo lang kinabog na nga sila ng wowowe noon pa. You know why? Boring na sila. Kaya nga nagpuputok ang butse ni joey angas. Dahil iisang willie lang ang magpataob sa kanila. Aminin!! Nakabangon lang uli sila ng lag karoon ng problema ang  abs at willie. Kung hindi malamang nasa kagkungan na ssila. Sabi nnga wweder weder lang yan. gve aga nn edu a chance no. Di matira matibay! Malay mo! Hwag kang one sided bakling!

  10. GAGAH KA PALA EH! KAYA NGA SABI NI AGA, DI SILA MAG SO SHOW PARA KALABANIN ANG EAT BULAGA! MAG SO SHOW SILA PARA PASAYAHIN ANG MGA PILIPINO! GAGAH! THE MORE THE MERRIER ANO! MAS MARAMI MAS MARAMING CHOICES! GAGAH! GOGOGO TV5! 

  11. ay naku.. INSTITUSYON na ang Tito, Vic, and Joey… animin nyo man o ndi… Madame ng tumapat, my mga pagkakataon na mejo nauungusan lyk ng Wowowww noon pro pag bumawi nmn Eat Bulaga sobrang lunod kalaban… Nangyare yan sa wowowee hehehe. At si willie mismo nag-sabe na walang makakatapat sa 3… si aga and edu… well they can always try y not? Goodluck nlang… pro ako SOLID DABARKAD 4ever….

  12. tama ka bangis, natatalo ng wowowee nun ang eat bulaga kaya ginaya na rin nila ito. Wowowee lang ang nagpasimula ng paga-acknowledge sa mga balikbayan sa kanilang show pero ngayon ginagawa na rin ng EB. Don’t get me wrong, i despise willie now since he showed his true colors on tv.

  13. hahahah gago ka tlga bading na swarding,galit ka kay willy kasi ndi ka nabibigyan inggeterang badash,wla namang kumakalaban sa eat bulaga trabaho lang hahahaha alalahanin mo si wowowee lang ang nakatapat niyan kaya nga nagkagaliut sila ni joey de leon dahil minsang natatalo sila kaya kung ano2 ang mga isyo kay willy ganon tlaga ndi naman habang panahon ay eat bulaga lang paano kung wla na sila?hahahahaha pana=panahon lang baklang maninira>>>>>>ang pangit mo

  14. Au sus. Edu Manzano and Aga Muhlach’s “noontime” show … LMAO for sure flop yan… Eh SI Edu Manzano Laos Na. His two shows in GMA 7 Family feud and Asar Talo flop eh. Noontime show pa?,,,,, LOL….