Aga Muhlach, aprubado ang pagpasok sa showbiz ng mga anak

Aga-MuhlachAPRUBADO RAW sa host ng TV5 hit game show na Let’s Ask Pilipinas na si Aga Muhlach na pasukin ng kanyang mga anak ang showbiz kung gugustuhin ng mga ito. Pero kailangan daw na magtapos muna ang mga ito ng kanilang pag-aaral.
Pero sa obserbasyon ng mahusay na actor/ host, hindi raw nito nakikita as of now na interesado ang kanyang kambal na sina Atasha at Andres na pasukin ang showbiz.

Iba raw ang kinahihiligan ng kanyang mga anak, si Atasha ay nahihilig sa art at si Andres naman ay kinahihiligan ang basketball.

Feeling ni Aga, yayaman si Atasha dahil lagi raw nitong sinasabi na gusto niyang maging rich kaya naman daw ipadadala nito si Atasha sa London para roon mag aral. Wala raw problema sa gastos dahil napaghandaan na ito ng aktor. Para sa edukasyon at future ng kanyang mga anak, all-out daw si Aga.

 

ISA ANG most sought-after commercial model at endorser na si Teejay Marquez sa cast ng maituturing na pinakanakakatakot na horror movie ng taon na hatid ng GMA Films, ang Basement. Tsika nga ni Teejay na isang malaking karangalan ang mapasama sa movie na ito dahil sa magandang pagkakagawa nito.

Tsika nga ng nakapanood na ng  teaser ng pelikula, mukhang nakatatakot ang pelikulang ito na idinirek ni Topel Lee.

Star-studded ang movie kasama sina Kristoffer Martin, Louise Delos Reyes, Teejay Marquez, Aljur Abrenica, Enzo Pineda, Dion Ignacio at Sarah Lahbati.

 

HINDI RAW inaakala ng mahusay na batang komedyano na si Sef Cadayona na magiging close siya kay Kris Aquino nang magkasama sila sa Vampire Ang Daddy Ko.

“Nu’ng una, kinakabahan talaga ako. Sabi ko nga sa sarili ko, Kris Aquino ‘yan, patay ‘pag may maling joke na ginawa , medyo madedehado ako.

“Eh, ang nangyari po kasi, nagsimula nu’ng si Bimby, kinukulit ako nang kinukulit. Nakipaglaro sa akin, hindi ako tinatantanan. Kasi tawang-tawa siya sa thought na lalaki ako, pero nakabihis babae ako. Pero alam niyang lalaking-lalaki ako.

“Sabi nga niya sa akin, ‘your not ano, eh. How come you dress like that? How come you have a dress gown?’ Sabi ko na lang, that’s my role. Sabi niya naman, ‘really? That is your role, dresssing like a girl?’ Tapos tawa siya nang tawa.

“Kahit nga si Ms. Kris, sinasabi niya sa akin na alam niyang hindi ako bading, na straight ako. Tapos meron nga siyang line doon na sinabi niya na, ‘hindi ako mabilis na nagkaka-amor sa tao.” Tapos nilagay ni Direk sa eksena, nagulat ako.

“Pati nanay ko, napatawag sa akin. Sabi niya, ‘anak, gusto ka ni Kris Aquino.’ Sabi niyang ganu’n. Sabi ko nga, oo nga yata mama, hahaha!” Pagtatapos ni Sef.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.