Aga Muhlach and Charlene Gonzales, perfect match!

 

NAKAKATUWANG PANOORIN ANG mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales when the actor appeared on The Buzz to ce-lebrate his wife’s 37th birthday. For a change ay si Aga naman ang tumayong interviewer at si Charlene ang sumalang sa hot seat sa segment niyang Straight from the Heart.

Although they have been married for almost 10 years, para pa rin silang bagong kasal. During the interview, you could see in their facial expressions and body language na kinikilig silang dalawa sa isa’t isa. Hindi ba nakikita sa aura ng isang tao kung masaya siya inside-out? At hindi ito kayang pantayan o bayaran ng kahit anumang kayamanan sa mundo. Undoubtedly, Aga and Charlene are a perfect match. They are blessed with wonderful twins Atasha and Andres na habang lumalaki ay lalong nagiging kamukha ang kanilang magulang.

Noong una ay akala ni Charlene na nagbibiro lang si Aga during the segment when he asked, “Anong feeling talaga na napapansin nila iyong trabaho mo, iyong dedication mo, anong feeling mo? How does it feel?” Kaya para patunayan na hindi ito joke ay kinuha ni Aga ang kanyang cue card from one of the staff. “Ayaw maniwala, ha? Ayaw niya maniwala. Gusto niya Aga Muhlach with cue cards. Game.”

Charlene answered, “Okay seriously, kasi alam naman ng asawa ko how much I love my work and he sees that it’s a big sacrifice para sa family natin na pagdating ng Saturday and Sunday, you leave me alone, you give me time to really know my material. Ngayon pa lang, nagpapasalamat ako sa iyo because that’s a very big sacrifice on your part at sa mga anak natin.”

Tanong ulit ni Aga, “Ten years na tayong magkasama, gusto ko lang malaman, probably gusto nilang malaman, kung kailan ka huling kinilig? Not necessa-rily sa akin, kunwari sa buhay?” At ang nakakakilig na sagot ni Charlene, “Kanino pa ba? Ito ngayon.”

Aga asked Charlene what would usually occupy her mind before going to sleep. Walang kagatul-gatol niyang sagot, “Ang bangu-bango ng asawa ko at ang guwapo niya.”

“Hindi, of course, alam mo naman ito na araw-araw talaga nagpapasalamat ako sa Diyos that He gave me a good husband like you and wonderful children. Alam mo iyan. Araw-araw pinag-uusapan natin iyan that it is our dream to really make what we have worked. At iyon ang unang priority natin talaga sa buhay.”

Ano pa ba ang wishes ni Charlene sa kanyang buhay? “I stopped wishing a long time ago. All I do is dream because when you dream, you live life with no expectations. And when you dream, that’s what motivates you and inspires you to become a better person. At kung anuman ang dumating sa buhay mo, you will always appreciate and accept everything and be grateful for whatever life has in store for you. So, hindi na ako nagwi-wish ng kahit ano pa.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

10 thoughts on “Aga Muhlach and Charlene Gonzales, perfect match!

  1. congrats aga and charleen! beautiful couple inside & out… ideal family.. super cute ang mga kids ninyo… God bless!

  2. Talagalang, si Mariel ka siguro ano ? Siya lang ang taong bilib sa sarili. wala namang fan base pero akala niya ay maraming may gusto sa kanya. TUM NILA NI BINOE, WALANG NANOOD. SA THE BUZZ PA KAYA ? KAWAWA KA NAMAN MARIEL. BINUBUHAT ANG SARILING BANGKO. GALIT KA PA RIN KAY KC CONCEPCION DAHIL SA SIYA ANG PINILING HOST. GALIT KA RIN KAY SHARON CUNETA. PAHINGA KA NA KAYA. MALAYO NA ANG NARATING NANG MGA KAIBIGAN MO NA SI BIANCA AT TONI. NAPAGIWANAN KA NA DAHIL SA KAPLASTIKAN MO. PATI SI LUIS MANZANO, AYAW PA RING MAKIPAG AYOS SA PLASTIK NA KATULAD MO. NAGTATAKA KAMI KAY TONI KUNG BAKIT SIYA NAKIPAG AYOS SA IYO. NGAYON, LUMALABAS NA PLASTIK KA PA RIN, INGGETRA AT BITTER.

  3. tito boy dapat si matiel na lang ilagay ninyo sa the buzz at si bianca kesa kay toni at kc trying hard kung puede lang kasi si mariel nakakatuwa spontaneous kahit loka loka si bianca naman panalo sa ganda ang galing manamit plus ikaw at si charlene bongga na di ba paki sabui nga yan kay charon santos ha hahhahha

  4. tito boy ang galing ninyong dalawa ni charlene sa the buzz kya ko lang yan pinapanoond dahil sa inyong dalawa suggestion ko lang puede tangalin yan si kc at tono gonzaga mga feeling sikat at OA mag inyterview ginagaya si kris aquino di naman kya. Tapos yung mga facial expression nila parang retarded mga agaw eksena kulang sa pansin um…opinyon ko iyomn kya sa mga fans ng dalawang OA manahimik kayo leche

  5. Lumabas na naman ang masamang ugali ni Mariel sa HYY. Isang contestant ang tinanong kung aling prutas ang binibiyak bago kainin na ang sagot niya ay kaimito. Ang contestant ay medyo may katabaan. Binuking ni Pokwang na ibinulong ni Mariel na ang dapat ang sagot niya ay mansanas para ipasok sa bunnganga na parang litsong baboy. Wala na talagang magagawa kay Mariel. Puro insulto ang alam niya at ang akala niya ay nakakatuwa. Walang aral ang alaga ni Boy Abunda.

  6. I saw SNN when they interviewed Arnel Ignacio. Natutuwa ako dahil si Arnel, palaban at hindi natatakot sa mga pulis na nangotong sa kanya. PERO, BAKIT NA SA KALAGITNAAN NANG PAG-EXPLAIN NI ARNEL TUNGKOL SA KINASUHAN NIYANG PULIS, BIGLANG PINUTOL NI BOY ABUNDA AT INIBA ANG USAPAN. TAKOT BA SI BOY ABUNDA NA BAKA SIYA ANG BALINGAN NANG MGA PULIS ? BALITA NA KASI NA LAGING NEUTRAL SIYA. MASKI SA BOTTOMLINE, WALA KANG MARIRINIG NA NEGATIVE ISSUE NA GALING SA BIBIG NIYA MASKI NA MGA CORRUPTION AT GOBYERNO NA ANG PINAGUUSAPAN. WALA SIYANG PANININDIGAN. KAYA ANG BOTTOMLINE, HINDI KO NA PINAPANOOD. PURO KAPLASTIKAN .LANG. MGA TANONG PA NIYA, MASKI SENSITIVE ANG ISSUE, WALANG KALAMAN LAMAN. IWAS PUSOY.

  7. Boy Abunda, balimbing. Magretire ka na. Plastik ka ring katulad nang alaga mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.