After winning acting award
Arjo Atayde, magbibida muli sa adaptation ng Koreanovela!

Arjo-AtaydeAFTER WINNING Best Supporting Actor sa PMPC Star Awards For TV kamakailan para sa kanyang mahusay na pagganap sa Dugong Buhay at pagkatapos makapahinga ng isang buwan, balik-trabaho na si Arjo Atayde at ito ay sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Pure Love na eere sa buwan ng Enero.

Doble saya nga raw ang nararamdaman ni Arjo, dahil makakasama niya ang kanyang showbiz crush na si Alex Gonzaga. Mahilig daw kasi ito sa Tsinita na katulad ni Alex, kaya naman nagka-crush ito sa dalaga.

Dagdag factor pa raw ang pagiging simple, mabait at kalog ni Alex kaya naman daw nagustuhan ito ng binatilyo ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez.

Kaya naman daw sa pagsasama nila sa iisang proyekto , mas gusto pa raw makilala nang mabuti ni Arjo si Alex .

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “After winning acting award
Arjo Atayde, magbibida muli sa adaptation ng Koreanovela!

  1. yuck, ang ganda, sexy at pleasant ni Alex, tapos walang ka-appeal-appeal ang leading man. bigyan naman si Alex ng leading man na hunk ang dating at ma sex-appeal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.