After the controversial ‘Twitter war’: Luis Manzano, forgiven by Angel Locsin?

HALOS TATLONG LINGGO na ang nakararaan nang may namuong ‘away’ sa pagitan ng ex-lovers na sina Angel Locsin at Luis Manzano. Sa Twitter lamang naglabas ng kanyang ‘sama ng loob’ itong si Angel laban sa ex at sa Twitter din humingi ng kanyang ‘dispensa’ si Luis.

Matapos nito, biglang nanahimik ang magkabilang kampo. At noong nakaraang linggo, dalawang malalaking endorsements ang magkasunod na ni-launch para kay Angel, isang brand ng shampoo at isang brand ng canned tuna. Sa dalawang event na ito, ayaw pag-usapan ni Angel ang nasabing girian nila ni Luis at ang tangi na lamang niyang nasagot, “Tapos na ‘yun, huwag na po nating pag-usapan, kasi nag-sorry na naman siya.”

Sana lang, all’s well that ends well na nga ito, dahil masaya na si Angel sa piling ng kanyang ‘exclusively dating’ na si Phil Younghusband.

 

HINDI MAN SIYA ang tinanghal na Ultimate Star Factor Grand Winner ng TV5, patuloy pa rin sa kabi-kabilang raket sa ngayon si Miguel Estenzo.

Isa nga sa mga pinagkakaabalahan ni Miguel ngayon ay ang dula sa entablado na Noli Me Tangere ng Tang-halang Pilipino. May angking galing din pala sa pag-awit itong si Miguel, kaya naman naisama siya sa hilera ng mga theater actors sa malapit nang itang-hal na stage play. Goodluck, Miguel!

 

NGAYONG ARAW, JULY 13, ang nakatakdang pangalawang barangay hearing sa Poblacion, Makati para sa nag-akusang mga kasambahay ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Ito ay alinsunod sa reklamong isinampa nina May Cachuela at Camille Acojeda kaugnay sa diumano’y pananakit sa kanila nang magaling na aktres.

Matatandaang hindi sinipot ni Maria ang naunang nakatakdang paghaharap sana nila sa barangay noong July 6, 2011 sa ‘di malamang kadahilanan. Halos isang oras ang hinintay nina May at Camille pati na ng mga miyembro ng media, pero ni representative ay walang ipinadala ang kampo ni Maricel.

Ayon naman sa mga nakausap namin sa barangay, tatlong hearing ang kanilang ipatatawag at dapat ay dadaluhan ito ng magkabilang kampo upang mapag-usapan ang mga bagay-bagay sa barangay level pa lamang. Dito, hihimayin at maaaring hindi na maiakyat pa sa korte ang reklamo kung magkakaayos ang dalawang panig.

Ayon naman sa dalawang kasambahay, hindi pa nila alam kung mapapatawad nila ang kanilang dating amo. Ito ay depende pa raw sa kanilang mapag-uusapan kung saka-ling magkaharap-harap na nga sila.

 

BLIND ITEM: KINSA Sila? Sinu-sino kaya itong dalawang personalidad na ayon sa kuwento ng aming very unimpeachable source ay nagpapataasan daw ng pride?

Base sa kuwento, sa isang TVC shoot sa isang endorsement na kanilang pagsasamahan, hindi raw pumayag si sikat na Actress A na makasama si sikat na Actress B. Kaya ang ginawa raw ng production, magkahiwalay na araw ang shoot ng dalawa at kuntodo sukat sila sa mga anggulo.

Hirap na hirap daw ang mga staff sa pagsukat ng tamang anggulo para hindi mahalatang ipinatong lamang ang video ng dalawang actress kapag lumabas na ang nasabing TV ad. Ang dialog daw nang sikat na Actress A ay, “Ayoko siyang makasama sa shooting,” patungkol kay sikat na Actress B. Dialog naman nang mga taga-production, “Ang arte-arte naman niya eh, hindi na siya bata, ‘noh.”

Sinu-sino sila? Maging mapanuri sa mga commercial na ipinapalabas sa ngayon at matutumbok n’yo na kung sinu-sino sila.

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “After the controversial ‘Twitter war’: Luis Manzano, forgiven by Angel Locsin?

  1. ETO NAMAN KASING SI LUIS AYAW PANG UMAMIN AT MAGLADLAD KAGAYA NI BB GANDANGHARI EH SUPER OBVIOUS NAMAN NA BERDE RIN ANG DUGO MO AT GUSTO MO LANG GAMITIN SI ANGEL LOCSIN KAYA KA NAKIKIPAGBALIKAN SA KANYA PARA PAGTAKPAN ANG PAGKA BADING MO!!! BUTI NA LANG UMEKSENA SI PHIL YOUNGHUSBAND AT HINDI NA LALONG BABALIKAN NI ANGEL SI LUIS! MAHIRAP MAGPANGGAP KAYA LUIS, MAGPAKATOTOO KA NA AT MAIINTINDIHAN NAMAN NAMIN KUNG BADING KA!!!

  2. ganun? si ange pa nag forgive? sabagay masaya na si angel kasi may phil na nabulag sa keps niya na laspag na! kadiri ka phil!!!

  3. Magkaibigan si Kris at Sharon. As for Angel and Luis, WHAT IS THERE TO FORGIVE. HINDI BA GUSTONG GUSTO NAMAN NI ANGEL ANG PUBLICITY ? TIGIL NA ANG KAPLASTIKAN.

  4. mafeeling c angel!!!! kainis!!!! bkit kya xa bnoboto ng mga tao sa FHM? e photoshop nmn ang malalaking braso at hips nia. eeewwwww…

  5. eto naman kasing c luiz e tantanan mo na kasi yang c angel.,ang dami pang babae dyan noh.,oh baka naman kaya ka ganyan e type mo c phil hahahahaha!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.