After Nadine Samonte: Yasmien Kurdi is thinking of transferring to TV5

AFTER NADINE SAMONTE na balitang-balita na magiging certified TV5 prime star na at magbibida sa kanyang sariling soap sa Kapatid Network, maingay na maingay naman ang balitang ang Starstruck Batch 1 na si Yasmien Kurdi naman ang susunod na lilipat sa Singko.

Balitang tapos na ang contract ni Yasmien sa GMA-7 at hindi na ito muling nag-sign ng contract pa, kaya naman daw nagpaparamdam ito sa TV5 at mukhang interesadong magkaroon ng proyekto roon.

Gusto raw kasi ni Yasmien na subukang magtrabaho sa ibang network para maiba naman. Kaya nga raw ‘wag nang magulat kung one of this day ay makita si Yasmien sa mga show ng TV5.

Ang tanong, willing kaya si Yasmien na makatrabaho ang kanyang ex-BF na si JC De Vera na nasa bakuran ng TV5? ‘Yan ang ating aabangan, kapag sure na ngang magiging kapatid si Yasmien.

 

MARIING PINABULAANAN NI SexBomb Mia ang tsismis na titiwalag na siya sa kanilang grupo at aalis na sa panganga-laga ng Focus E na pag-aari ng kaibigang Joy Cancio. Napabalita kasi na mas gusto nang mag-focus sa acting ni Mia at  tutularan ang ginawang pag-alis sa grupo ni Rochelle Pangilinan na malapit na kaibigan nito.

Tsika ni Mia, malaki ang utang na loob niya sa Focus E at kay Joy Cancio, kaya naman daw wala itong balak umalis sa poder nito. Idinagdag pa nito na kahit napapanood na siya sa Amaya, patuloy at patuloy pa rin siyang sasayaw sa kanyang grupo (SexBomb), dahil kung ‘di raw dahil sa SexBomb at sa kanyang pagsasayaw, hindi siya makikilala.

Aminado naman daw ito na nag-e-enjoy na siya sa pag-arte, pero first love pa rin niya ang pagsasayaw, kaya’t kaya pa ng kanyang oras ay sasayaw at sasayaw siya. Puwede naman daw niyang pagsabayin ang pagsasayaw at pag-arte at the same time.

 

ON-GOING PA RIN ang screening sa magiging 2011 Ms. Catwalk Philippines model search na hatid ng 8 Tri-Media Pro & Solid Platinum Events Unlimited na ang finals ay gaganapin sa July 30, 2011.

Ayon sa kaibigang Absy Dacer, ang screening ay ginaganap araw-araw hanggang 2nd week ng July sa kanilang opisina sa # 25 Seneca Plaza Bldg., E. Rodriguez Sr. Ave., New Manila, Quezon City o tumawag sa 09178081619 para sa iba pang impormasyon.

Kaya naman kung ikaw ay maganda, matangkad at magaling rumampa, go ka na sa nasabing address, dahil baka ikaw na ang mapalad na tatanghaling Ms. Catwalk Philippines 2011.

 

NASA EUROPE NGAYON ang magaling na komedyante/ host at successful businessman na si Arnell Ignacio para pasayahin ang ating mga kababayan doon through show na hatid ng GMA-7 Pinoy TV, kung saan siya ang naatasang mag-host sa nasabing event abroad.

Kuwento nga ni Arnell nang makausap namin through text na medyo nakahinga raw siya nang maluwag at nakapagpahinga sa kontrobersiyang naiwan nito pansamantala sa Pilipinas kaugnay sa kasong isinampa nito sa 3 pulis.

Ayon kay Arnell wala raw siyang balak na bawiin ang demandang isinampa niya sa mga ito, kaya naman daw hindi totoong kaya siya nag-abroad ay dahil gusto na niyang takasan ang problemang naiwan sa Pilipinas, dahil tuloy na tuloy daw ang laban niya pagbalik ng bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

5 thoughts on “After Nadine Samonte: Yasmien Kurdi is thinking of transferring to TV5

  1. I want Yasmien to stay in kapuso…… I don’t watch TV a lot coz I don’t see her in kapuso anymore… Please give her many projects…….I hope kapuso network is listening to us…… We want her back even in big screen……

  2. Yasmien is very talented.. Looking back during starstruck days, I’ve seen her a lot of potentials to become a well-known actress and an awarded singer…. Fortunately, she has achieved her dreams to earn many awards…. As her avid fan, I know that she is very busy on her studies… Just like me, she is also giving value on the importance of education.. But I just hope in the future, she will do lot of soap operas and telenovelas…. We miss her a lot…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.