After Iyakan blues

KAMAKAILAN, MAGKAKASUNOD na iyakan on national television ang napanood ng mga utaw sa mga magkakatapat na showbiz talk shows. Una ang pag-may I cry ni Iza Calzado sa interview sa kaniya ng Showbiz Central ng GMA-7. Napaluha ang Kapuso actress nang mapag-usapan ang kanyang namayapang ama na si Direk Lito Calzado. Hindi naman napigilang tumulo ang luha ni Jake Vargas sa interview rin nito sa nabanggit na talk show. Naiyak ang young actor sa pagpanaw ng kanyang ina na matagal nang nakikipaglaban sa sakit na colon cancer. Mas lalong pinag-usapan ang crying moment ni KC Concepcion sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa  The Buzz ng ABS-CBN tungkol sa break-up nila ni Piolo Pascual. Naiyak talaga nang husto ang dalaga ni Mega dahil sa sobrang nasaktan ito sa kinahantungan ng love story nila ng Kapamilya actor. After nang iyakan blues ng tatlo, ano na ang ganap sa kanila? May masasabi pa ba sila? Isplukan na!

Photos by Ricky Agapito & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “After Iyakan blues

  1. luv KC :)   will continue to pray for u kc to be strong & to be able to move on with the lesson u learned fr ur experience (heartache) god bless!

Leave a Reply

Your email address will not be published.