After her succesful operation: Amy Austria promises to help the needy

TUWANG-TUWANG IBINALITA NG mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado na malaki-laki raw ang nalikom nilang donasyon nu’ng nakaraang renewal of vows nila.

In-announce nila noon na huwag nang magbigay ng regalo sa kanila kundi sa halip, magbigay na lang ng donasyon para sa kanilang RRJ Foundation.

Ang dami palang nagbigay ng donasyon at i-nipon nila para ipamahagi rin sa iba’t ibang lugar na tutulungan nila.

Nu’ng nakaraang Sabado, namigay sila ng school supplies sa mga batang mag-aaral ng Maliksi Elementary School sa Bacoor, Cavite. Simula lamang daw ‘yun nang pamamahagi nila ng mga nakuha nilang donasyon sa kanilang kasal. Hindi lang daw sa Cavite kundi pati sa ibang lalawigan ng bansa.

Naipangako na ito noon ni Sen. Bong, kaya kailangan daw niyang tuparin.

Parang gusto na nga niyang tanggapin ang isang drama series na inaalok sa kanya ng GMA-7 para ang kalahati daw ng talent fee niya roon ay gagamitin pa rin niya sa projects ng kanyang RRJ Foundation.

 

GANU’N DIN DAW ang balak ni Amy Austria, na ang lahat na kinita nito bilang artista ay ibibigay raw niya sa mga mahihirap at sa ibang projects ng simbahan.

Napagdesisyunan ito ni Amy pagkatapos niyang ma-hospital ng mahigit isang buwan.

Naging mahirap din kay Amy na malagpasan ang operasyong pinagdaanan niya at natakot din siya noon na buong akala niya ay matuluyan siya.

Ngayon, nakabalik siya dahil sa matinding kapit niya sa Diyos kaya pangako nito na kailangang ibalik din niya ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

Ayaw na nga sana ng asawa niyang si Duke Ventura na mag-artista siya, pero kailangan niyang gawin dahil gusto na niyang makatulong.

Bumalik na nga si Amy sa pag-taping sa Minsan Lang Kita Iibigin, at medyo matagal-tagal pa siya roon, dahil lalo pang tumitindi ang kuwento ng teleseryeng ito.

Pagkatapos nitong Minsan, gusto pa ng ABS-CBN 2 na bigyan siya ng programa pero pinag-iisipan pa niya kung gagawin niya ito dahil kailangan din naman niyang pangalagaan ang kalusugan niya.

Kung sakaling tatanggapin niya ito, dahil gusto lang niyang makatulong sa mga mahihirap lalo na sa pag-aaral sa mga batang kapus-palad.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

7 thoughts on “After her succesful operation: Amy Austria promises to help the needy

  1. ano yon me nahalong ibang topic,dun ka sa pep mag comment nyan,isa lang ang masasabi ko ke marian bobo,nakahanap sya ng katapat sa katauhan ni heart..buwahhhhhaa….kapamilya bida best ang galing!

  2. Dear Lolit – I just want to express my concern regarding how Marian Rivera being harassed by the uncultured and uncivilized mother of Heart Evangelista. First, Heart came to Marian’s life in a sheep’s clothing but inwardly has a bad intentions like a ravenous wolf . She and her mother deserves to be thrown to the skip and put into the inciminator, as they are the bad trees that will bear only evil fruit . GMA should not give her attention as it will only spoil the network it is better to cut the bad tree early rather than allowing them to exploit thier devilish acts. Please Lolit pass this on to GMA and Heart camp.
    Marietta from Dubai

  3. true…ang mga artistang kids s syete ay susmio kung umarte, samantalang sa dos, ang gagaling! super galing ng dos humubog ng mga artista…i feel sad for those talents na lumipat s syete, goodluck haha

  4. hindi ko pinalalampas panoorin ang bida best ng Dos, wala akong itulak-kabigin dahil lahat sila ay magagaling, lalo na si xyriel manabat. Walang ka-effort2.

  5. praise God that Ms. Amy Austria has already recovered. We missed you in MLKI, walang kabatuhan ng magaling na akting si Ms. LT at Ms. Boots Anson Roa, Ronaldo Valdez, John Estrada and Tonton Gutierez are doing a great job. I love watching this Bidabest teleserye.

  6. Pingback: After her succesful operation: Amy Austria promises to help the needy - ShowbizNews.ph