After her show’s season ended, Sharon Cuneta will be the biggest loser!

 

 

KUNG TAHIMIK PA ang kampo ng Megastar na si Sharon Cuneta sa mga sandaling ito, naghahanda lang si Mega sa muli niyang paglabas para sa susunod na season ng The Biggest Loser Pinoy Edition.

Nasabi na ng kapirot ni Fanny Serrano ang malaking pagbabago kay Mega. Lalo na sa panga-ngatawan nito. Na siya namang inaabangan ng mga manonood na makita nilang pagbabago, lalo pa nga’t kasabay siyang umaariba ng mga contestants sa nasabing palabas sa mga dapat nilang gawin sa kanilang kalusugan, kasama na ang spiritual and emotional journey nila sa palabas.

Ang nasabi lang ni TF eh, from 40 plus na size ng bewang ni Mega eh, naging 34 na ito ngayon. ‘Yun pa lang daw ang p’wede niyang sabihin dahil mas gusto siyempre ni Mega na siya ang maglahad ng lahat-lahat ng ginawa niya, sinailaliman at kinumpronta maski ang sarili niya, kasama ang iba pang factors para dumating siya sa puntong ito na ang inasahan sa kanya ng karamihan eh, naging totoo na.

Nasabi ito ni TF sa launch naman niya as endorser ng sumagot sa problema niya sa falling hair na Novuhair. Medyo naging excited lang si TF na mabanggit ang secret pa sana ni Mega, pero mas marami pa raw mari-reveal in the days to come.

Si Shawie pa rin kaya ang maging winner sa kanyang pagiging biggest loser?

 

NAGPATAWAG NG PRESS conference si Heart Evangelista. Nasa tabi niya ang dalawa niyang abugadong sina Atty. Archimedes Gonzales at Atty. Camille Sevilla.

May narinig ako sa mga kasama kong press na may nagpupustahan pa kung iiyak o hindi ang aktres.

Kalmado naman si Heart sa paglalahad niya ng ‘totoong’ nangyari sa Ilocos, kung saan sila nag-shoot ng Temptation Island.

Sa salaysay ni Heart, dalawang beses siyang diumano’y ‘sinugod’ ni Marian sa kanyang room.

Ang pinagmulan daw eh, nang sabihin niya kay Marian, na apparently eh, hindi pa nasabi rito ng GMA-7 na magsasama sila sa isang proyekto ni Dingdong Dantes. Ang term pa nga raw na ginamit niya eh, ‘Magkakatrabaho kami ng ‘asawa’ mo’.

Kaya, nagulat daw si Heart sa naging reaksiyon ni Marian sa sinabi niya. At galit na galit daw ito. Pinagsisigawan na siya at kung anu-ano na ang sinabi. Dahil nahintakutan na raw siya, wala na siyang nagawa kundi ang umiyak. Ini-report niya ito sa production na kasama nila at ang mga ito na ang tumawag kalaunan sa mga magulang ni Heart para sabihin ang nangyari. Nang sa ikalawang beses eh, abutan uli ni Marian si Heart sa room niya, although inaayos na nga ng staff na ilipat na siya sa ibang kuwarto.

Kaya ang tanong din ng press kay Heart eh, kung sa kuwarto lang ba siya sinugod ni Marian at hindi naman siya ikinulong sa banyo. Hindi raw. Sa room niya lang. Sa kanyang privacy.

Kahit na raw gusto sana ni Heart na i-settle na lang ang issue privately, dahil doon mismo eh, inabisuhan na sila ng kanilang mother network to keep quiet  about  it,  si  Marian daw ang unang nagsalita sa press con ng pelikula nila at sa panahong wala siya rito.

“Kailangan ko nang i-defend ang sarili ko. The false and mean things that have been reported about me in the media and online have damaged my reputation. May death threats pa from her fans. Kaya I am sharing the truth about what happened in Ilocos.”

Naging exagged din daw ang pagre-report na may bitbit na 15 pulis ang Mommy niya nang sunduin siya nito sa NAIA. Dalawang empleyado raw ng NAIA ang pina-kiusapan nito para sunduin siya at hinintay lang siya nito sa may baggage area.

 

REPLY ON MARIAN Rivera’s side. She prefers to just be quiet about the issue. Hindi raw ito magre-reply sa kung anupaman ang mga sinabi ni Heart sa panig niya. Since, matagal na raw naka-move on si Marian.

At bilang respeto sa kanilang mother network, susunod lang daw ito sa utos sa kanya na manahimik about it!

 

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

17 thoughts on “After her show’s season ended, Sharon Cuneta will be the biggest loser!

  1. @jelloe tama ka agree ako sa yo na mag-ingat nga sa pag diet kasi hindi lahat ng diet ay bagay sa lahat ng tao.

  2. MAY MGA MATATABA NAMANG MAS HEALTHY PA SA MAPAPAYAT KAYA MAG-INGAT KAYO SA PAG DIET.MAGPA DUKTOR MUNA.HINDI LAHAT NG DIET BAGAY SA INYO.MAY KILALA AKONG NAGDIET CALAMANSI LANG ANG ININOM AFTER 2 WEEKS NA STROKE

  3. @ mosmos i dont think so kc ako im in 40 also madali akong pumayat nasa tao lang yan kung gusto talagang pumayat si mega naman kahit di yan pumayat maganda pa din…

  4. @kahlua of San Fran. hindi ko hinaluan ng spices or flavoring, just plain rice. Tama ka para ngang papel ang lasa at first, as a matter of fact, after I tried it the first time, hindi na ako bumalik sa brown rice but my blood sugar was really getting bad so my friend who used to be 250 lbs (she’s now 125 lbs. because of this diet), forced me to try the brown rice again, i just cook it sa rice cooker. I used to buy the (nakalimutan ko na ang brand ) pero parang Indian brand but i switched to Uncle Ben’s kasi malinis ang brown rice nila at mas masarap kesa Indian brand. At nakita ko rin sa history channel ang pag gawa at pag process ng brown rice sa factory ng Uncle Ben’s, very impressive!!! Linis, kaya pala walang mised dark colored rice sa brown rice nila (even ang kulay ng brown rice nila), it’s because their machine is hi-tech, when it detects a different color while the rice is on the conveyor, it pushes the dark colored rice out and napuna ko rin na when i wash the rice before cooking, malinis ang tubig. Kahlua pagtiyagaan mo lang ang taste, masanay ka rin, i love the brown rice now. At nakalimutan ko rin pala sabihin na after I eat, i do light movements, i have a step stool, i use it to exercise. Everytime i put a cake into my mouth my husband also teases with this words ” ONE MOMENT IN YOUR LIPS WILL FOREVER STAY IN YOUR HIPS”. Kaya natatawa na lang kaming dalawa. You can do it Kahlua.

  5. @azkals live streaming, salamat, binigay itong diet regimen ko sa kaibigan ko na 250 pounds ang timbang nya before this diet. She is now 125 lbs.. She went to a diet class at ito ang tinuturo sa kanila at kinupya ko kasi diabetic ako. At sinabi pa rin nya sa akin na huwag daw tayo kumain in front of tv kasi makalimutan daw natin kong ilan na ang nakain natin. This diet works for me.

  6. TARANTADO TALAGA YANG C MARIAN RIVERA NA YAN. FELEING NYA CYA REYNA AT MAY-ARI NG GMA. ANG TOTOO EH MAY-ARI TALAGA CYA…MAY ARI CYA NA SABOG AT PINAG-PARAUSAN NA NG KUNG CNO-CNO. DI BA ERVIC VIJANDRE?! KAYA NUNG INAHAS NYA C DINGDONG NA MUKHANG BUNGONG DURUGISTA K KARYLLE EH LASPAG NA YAN. KUMBAGA SA PAGKAIN EH NAISUBO AT NAISUKA NA CYA NG PAULIT-ULIT NG KUNG CNO-CNONG LALAKE BAGO CYA NAKANTOT NI DINGDONG KAYA CGURO NATATAKOT CYA NA MAAHAS DIN SA KANYA C DONG. ANG AHAS PALA EH TAKOT SA KAPWA AHAS? BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH

  7. @maria, anong inihahalo mo sa brown rice? I tried it before but didn’t like it. It tastes like a corrugated paper.

  8. Bakit panay na lang pagpapayat ang issue ke sharon na halata namang BABOY pa rin sa katabaan niya. Wala na siyang pag-asa pa na pumayat. 15 years na itong issue na ito kaumay na.

  9. Yong pagbawas ng timbang ng katawan ay makuha ng tao sa pamamagitan ng will power and control and motivation. Kung wala ka ng ganitong control, lamon ka ng lamon at yon ang kalabasan. I’m a diabetic and I used to weigh 135 lbs , now I’m down to only 116 because I’m determined to lower my blood sugar and high blood pressure. I’m no longer taking my diabetic meds but i still continue the blood pressure pills but hey that is a start and I feel healthier. Kaya, yon din ang gagawin mo Sharon, eat more fruits and veges, eat fish and chicken breasts only, huwag kang kumain ng port at beef because they are HIGHHHHH in fats. And drink lots of water, huwag kang uminom ng sodas kasi high in sugar yon at maraming calories. And most important of all, STOP EATING WHITE RICE, they are bad for you, EAT BROWN RICE INSTEAD, just once cup of brown rice a day. Yon ang diet ko at it works.

  10. sori na lang kau, mga badiday. hindi na papayat ang mega star at no 1 supporter ng Ate Noy nyo. nasa genes nila ang matataba tlaga kapag nagkakaedad. kaya nga tinawag syang mega eh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.