After ex-girlfriend Marian Rivera, Ervic Vijandre eyes Cristine Reyes!

ISA SI ERVIC Vijandre sa limang mapalad na baguhang aktor na ipinakilala kamakailan lang ni Mother Lily Monteverde bilang Regal’s Desirable Men o new Regal babies kasama sina Daniel Matsunaga, Ian Batherson, Fabio Ide at JC Tiuseco.

Dating basketball player sa kanyang eskuwelahang De La Salle University sa Taft Avenue, Manila, at model si Ervic bago sumali sa Survivor Philippines Celebrity Showdown sa GMA-7. Pero tila mas nakilala ang binata nang pasukin n’ya ang showbiz bilang ex-boyfriend ni Marian Rivera.

Dahil d’yan, inamin sa amin ni Ervic na willing naman daw siyang makatrabaho si Marian at ang current boyfriend nito na si Dingdong Dantes o ang isa sa kanila, lalo na’t pare-pareho silang nasa Kapuso Network at Regal Films, dahil matagal na naman daw silang hiwalay na ni Marian at naka-move on na raw siya.

Masaya na raw ang baguhang aktor para sa dalawa, dagdag pa nito.

Niliwanag din ni Ervic na hindi niya ginagamit sina Marian at Dingdong para lang sumikat siya o mapag-usapan. Sinasagot niya lang daw ang mga tanong sa kanya ng showbiz press kapag natatanong sa kanya ang dati niyang dyowa.

Samantala, humahanga naman daw si Ervic sa ganda at kaseksihan ng Kapamilya sexy actress na si Cristine Reyes. Napakakinis raw ni Aa (nickname ni Cristine).

Pagdating naman sa trabaho, kahit ano raw ang ipagawa sa kanyang eksena, kahit may butt exposure ay gagawin n’ya basta okey sa ma-nager n’ya.

Kasalukuyang napapanood si Ervic sa Captain Barbell na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

 

HINDI GAYA NG mga billboard nina Ruffa Gu-tierrez at Iza Calzado na naka-bikini, naka-tube dress with slit lang ang four-time Box Office Queen at Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa kanyang billboard. “Ang image ko, tanging ina lang. Ayaw ng mga bata (mga anak n’ya),” paliwanag ng komedyana na natatawa.

“Hayaan n’yo sa susunod (na billboard), magbi-bikini na ako,” biro ni Ai Ai.

Pinagmamalaki rin ni Ai-Ai na walang ginawang photoshop sa kanyang billboard.

Dahil nali-link si Ai-Ai sa 21-year-old hunk actor na si Aljur Abrenica, na ayon sa kanya ay nanay lang daw ang tingin sa kanya, hindi maiwasan na matanong siya ng entertainment press kung posible ba na ma-involve siya talaga sa isang bagets o mas bata sa kanya ng ilang taon. “Hindi na. Siguro mga 27 (years old) and above. Enjoy ang mga bata, kaya lang kapag usapan na, wala kayong mapag-usapan. ‘Yung wavelength, hindi talaga pantay. Masyadong malayo,” sagot ng aktres.

Pero kuwento ni Ai-Ai, para raw sa kanyang mga anak, kung saan daw masaya ang mommy nila, gaya ng pagkakaroon ng boyfriend, okey lang sa kanila, basta huwag lang daw sasaktan ang kanilang ina.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

7 thoughts on “After ex-girlfriend Marian Rivera, Ervic Vijandre eyes Cristine Reyes!

  1. hahahah mhilig tlga mamulot ng tiratira 2ng c dngdong,,,amayakzZ super flo0000oooop-hehe mkins na at cute p c krstne…bobang amayakz.

  2. salamat dok lng yan c Cristine Reyes. Ang ngetpa kaya nya nung nasa starstruck pa cya. Di ba nakipag live-in na c Marian Rivera k Ervic, so tira-tirahan na lng pala yung kepyas na tinitira ni Dingdong. Kaya pala mukhang gastado na c Marian. Bka true rin na may anak na cya! hahahahaha

  3. Aiai’s billboard speak so much on how low advertisers has gone down. I for one will not go to a skin clinic and wishing I could have her looks. that’s a lot of bullshit!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.