After Darna and Mega Daughter: Taong Lobo, bagong target ni Phil Younghusband!

KINAKIKILIGAN NG KABABAIHAN at kabadingan ang Azkal player na si Phil Younghusband pero tila hanggang pangarap na lang ito ng mga mahadera dahil matapos umaming gusto ng guwapong

binata ang mga naggagandahang aktres sa local showbiz na sina Marian Rivera at KC Concepcion

eh, may bago na naman itong kinahuhumalingan… walang iba kundi si Angel Locsin. Tatlo-tatlong girlalu ang nagpatibok sa kanyang malaki at pumipintig-pintig pang…. Puso, ha-ha!

Sorry na lang kay Papa Phil, kasi may Papa Dong na si Marianita at may Papa P na rin si KC, kaya si Angel na lang ang available for now. Walang  habas na ginamit pa ang Twitter para yayain ang aktres sa isang Valentine date kung saan target-shooting pa ang gusto? Tsk, tsk… putukan agad? Hindi pa nga nakaka-iskor eh, he-he! Tumanggi naman ang Angel dahil  busy nga raw ito sa kanyang mga anik-anik. Ganu’n?!

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit and Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “After Darna and Mega Daughter: Taong Lobo, bagong target ni Phil Younghusband!

  1. Pingback: Tweets that mention After Darna and Mega Daughter: Taong Lobo, bagong target ni Phil Younghusband! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.