Hulicam: After 15 years of MMFF: Gabby at Mayor Lim, nag-krus ang landas!

NAISPATAN NG ATING kamerang-gala ang muling pagku-krus ng landas ng dalawa sa mga personalidad na may kaugnayan sa 199 Metro Manila Film Festival (MMFF) scam – sina Gabby Concepcion at Manila Mayor Alfredo Lim – sa lobby ng SMX Convention Center sa Pasay City bago magsimula ang MMFF Parade of Stars last December 24, 2009.

Matatandaan na si Lim ang mayor ng Maynila nang maganap ang MMFF scam na inamin ni Lolit Solis, manager ni Gabby, na minaniobra niya ang resulta ng awards night, kung saan nagwagi si Gabby ng Best Actor trophy sa pelikulang Loretta. Kay Edu Manzano dapat ang naturang award.

Kinasuhan ang mga sangkot sa nasabing scam, kabilang sina Ruffa Gutierrez at ang kapatid nitong si Rocky, ang Miss Universe contestant from Mauritius na si Viveca Babajee, ang co-artist ni Gabby sa bakuran noon ni Manay Lolit na si Nanette Medved, at si Gretchen Barretto.

Ang MMFF scam din ang naging dahilan ng pansamantalang pag-‘quit’ ni Gabby sa showbiz at pagtira sa Amerika.

PARAZZI WIRES
Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Hulicam: After 15 years of MMFF: Gabby at Mayor Lim, nag-krus ang landas!

Leave a Reply

Your email address will not be published.