African Nationals, Kinasuhan ng BoC

PORMAL NA sinampahan ng kaso sa Department of Justice ang limang mga African nationals dahil sa tangkang pagpuslit sa bansa ng tinatayang nasa P185 milyon na halaga ng Shabu.

Ayon sa Bureau of Customs (BoC), kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act at Tariffs and Customs Code of the Philippines ang kinakaharap ng mga salarin na sina Lina Achieng Noah, Josephine Balikuddembe, mag-asawang Joseph Yao Kyeremateng at Hamshawu Sulemana at Aicha Camara, na anim na buwang buntis.

Una nang inihayag ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na posibleng miyembro ang mga nasabing malaking international drug syndicate.

Matatandaan na noong Pebrero 24, nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kay Noah ang may siyam na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P63 milyon.

Naaresto naman noong Marso 10 si Balikuddembe habang bitbit ang may tatlong kilo ng iligal na droga.

Umaabot naman sa 10 kilos ng Shabu ang nakuha ng mga kinauukulan mula sa mag-asawang Kyeremeteng at Sulemana na tinatayang nagkakahalaga ng P80 milyon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.