AFP vs BIFF: 60 na ang patay

 

UMAABOT NA sa 60 ang mga nasawi sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa area ng Maguindanao.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, public affairs chief ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na nasa 50 sa mga ito ay mula sa BIFF, habang 10 naman ang nalagas mula sa hanay ng sundalo.

Sinasabing umaabot na rin sa 20 sa panig ng militar ang sugatan subalit mas marami ang sugatan sa panig ng mga rebelde.

Sa ngayon, ayon kay Asto, wala nang reported harassment sa nasabing lalawigan ngunit nanatili pa rin na nakaalerto ang militar sa naturang area.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang pagbabantay ng mga ito sa Sultan Kudarat-Cotabato national highway na bukas mula alas-7 lamang ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.