AFP: P26-M, Nakotong ng mga NPA sa mga Kandidato

UMAABOT SA P26-milyon ang umano’y nakolekta ng New People’s Army (NPA) sa mga kandidato sa kasagsagan ng election period.

Ayon kay Major Ramon Zagala, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa kabila ng malaking halaga, maituturing pa ring tagumpay ang pamahalaan na mapigilan ang mga rebelde sa kanilang pangingikil.

Umaabot aniya sa P500-milyon ang target na makolekta ng NPA sa mga kandidatong sinisindak ng mga ito para mag-ambag sa permit to campaign at permit to win.

Sinabi ni Zagala na karamihan sa mga nakolektang pera ng mga rebelde ay mula sa National Capital Region (NCR), Isabela, Catanduanes, Camarines Sur, Masbate, at Negros Oriental.

Pero tumanggi itong tukuyin ang mga pulitikong bumigay sa extortion demands ng NPA.

Samantala, ayon naman kay 3rd Infantry Division commander Maj. Gen. Jose Mabanta, dalawang linggo bago ang May 13 polls, halos kalahati ng mga kandidato sa Panay, Negros Islands, Siquijor, at Guimaras ay tumugon sa pangingikil ng mga rebelde kung saan hiningan umano ang mga ito ng P50,000 hanggang P5 milyon bawat isa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.