AFP: Misuari, Nasa ‘Pinas Pa Rin

NANINDIGAN ANG Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa Pilipinas pa rin si Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari.

Ito ay taliwas sa sinabi ni MNLF-Misuari faction Spokesperson Emmanuel Fontanilla na nasa Guinea na si Misuari at idinudulog sa Organization of Islamic Conference ang isyu ng krisis sa Zamboanga.

Inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala na base sa intelligence report, namataan pa si Misuari sa Sulu ngayon lamang buwan.

Hikayat ng AFP kay Misuari, lumabas na at harapin ang mga kaso ng rebelyon at paglabag sa International Humanitarian Law na kinahaharap niya dahil sa umano’y inilunsad na pag-atake sa Zamboanga City noong Setyembre.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.