AFP, LGU at PNP, pinakamaraming kaso sa Ombudsman

MULING NAGLABAS ang tanggapan ng Ombudsman ng listahan ng mga tanggapan ng gobyerno na may pinakamaraming kaso sa kanilang opisina.

Sa ikatlong sunod na taon, muling nanguna sa listahan ang mga local government unit (LGUs) sa dami ng opisyal at empleyado nitong kinasuhan sa Ombudsman.

Base sa ulat ng Ombudsman Finance and Management Information Office (FMIO), kabuuang 2,014 na kaso kontra sa mga taga-LGU ang naisampa sa kanilang tanggapan noong 2013.

Pumapangalawa naman sa naturang listahan ang Philippine National Police (PNP) at pangatlo ang Armed Forces of the Philippines kung saan noong 2013, umabot sa 1,312 ang naisampang kaso laban sa mga kasapi ng PNP habang 246 kaso laban sa mga taga-AFP.

Gayunman, inihayag ng Ombudsman na base sa datos, bumababa na ang mga naisasampang kaso sa kanila laban sa mga opisyal o empleyado ng mga nasabing ahensiya ng pamahalaan.

Pasok din sa Top 10 na may pinakamaraming kasong kinakaharap sa Ombudsman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Education (DepEd), Department of Agriculture (DA), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Customs (BOC), Department of Finance (DOF), state universities and colleges at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.