AFP, dumistansiya sa kaso ng political prisoners

DUMISTANSIYA ANG ARMED Forces of the Philippines (AFP) sa mga kaso ng mga political prisoner kabilang ang tinaguriang “Morong 43”.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta, ang korte at hindi sila ang may desisyon para palayain ang mga suspected NPA.

Ginawa ni Mabanta ang reaksiyon kasunod ng pahayag ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Negotiating Panel Chairman, Luis Jalandoni, na bilang “goodwill and confidence building measures” ng pamahalaan, dapat palayain na ang kanilang mga kaalyadong nakakulong.

“Sa amin po, depende po sa korte iyon. After nahuli po namin ang mga ito, dinala namin sa korte, nakakulong ngayon. Depende po sa mga authorities kung ano ang gusto nilang gawin,” ani Mabanta.

Paliwanag pa ni Mabanta, sumunod lamang sila sa kanilang tungkulin at ito ay pangalagaan ang estado at dakpin ang itinuturing na kalaban ng pamahalaan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.