AFP, Comelec, PNP, Nanguna sa Unity Walk sa SAFE 2013

PINANGUNAHAN KAHAPON ng AFP, PNP at Comelec ang unity walk at prayer rally para sa Safe And Fair Election (SAFE) 2013. Ito’y kasabay sa pagpapatupad ng Comelec gun ban epektibo kahapon January 13, 2013.

Nagtipun-tipon ang lahat ng contingents sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City para sa isinagawang prayer rally na may layong maging mapayapa at maayos ang eleksyon.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, ang naturang unity walk ay simultaneous na ginawa ng iba’t ibang PNP regional offices sa bansa upang i-drumbeat ang kahalagahan ng May 13, 2013 election.

Sinabi ni Cerbo na inasahang dumalo sa nasabing prayer rally sina DILG Sec. Mar Roxas, Comelec Chairman Sixto Brillantes, Religious leaders, Agency heads at iba pang mga imbitadong panauhin.

Dagdag pa ni Cerbo, ang unity walk ay binubuo ng apat na grupo. Ang Walk Group 1 ay pinanguhan ng mga personnel ng COMELEC, National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), Department of Justice (DOJ) at iba pang mga religious groups.

Habang ang Walk Group 2 binubuo ng mga personnel ng Department of Education (DepEd), Rotary International District 3800 at mga estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan at unibersidad.

Ang Walk Group 3 ay binubuo ng mga personnel mula sa DILG, National Police Commission (NAPOLCOM), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang Walk Group 3-A ay kinabibilangan ng mga tauhan ng PNP, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Barangay Tanods, ani Cerbo.

Ang Walk Group 4 ay binubuo naman ng mga personnel mula sa Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at ibang Non-Government Organizations (NGOs).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.