AFP Chief, naghandog ng Pamasko sa mga paslit

CAMP AQUINO, Tarlac City – Animnapu’t anim na mag-aaral ng Camp Aquino Learning Center (CALC) ang natuwa nang handugan sila ng maagang Pamasko ng pamunuan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) nitong Huwebes, ika-15 ng Disyembre.

Bagama’t nasa Camp Aguinaldo si Lieutenant General Jessie Dellosa bilang bagong talagang hepe o Chief of Staff ng AFP, nagbilin naman ito kay Colonel Mario Maggay na siyang adviser ng nasabing eskuwelahan na siguraduhing masaya ang mga bata sa kanilang Christmas Party sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang mga aktibidad.

Si Lt. Gen. Dellosa pa rin ang Commander ng NOLCOM hanggang sa maitalaga ang kapalit niya.

Panauhing tagapagsalita si Colonel Joselito Reyes, Chief of Unified Command Staff at siya rin ang nag-abot ng mga regalo at nagbigay ng pera sa mga bata na tuwang-tuwa sa kanilang natanggap, habang ang kanilang mga magulang ay lubos din ang ligaya sa masayang karanasan ng kanilang mga anak.

Pinapurihan ni Col. Reyes ang mga guro ng CALC na kinabibilangan nina Mrs. Jessica Podrido, Ms. Noemi Cao at Ms. Anne Garcia dahil sa kanilang kasipagan at pag-aaruga sa mga bata na nasa iba’t ibang baitang – Nursery, Preparatory at Kinder.

Layon ng NOLCOM ang kapakanan ng mga sundalo at kawani, kundi maging ang kanilang mga anak. Malaki kasi ang gastos ng mga magulang kung mag-aaral sa mga pribadong paaralan sa labas ng kampo ang mga bata kaya’t patuloy ang suporta ng NOLCOM sa CALC mula noon hanggang ngayon.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.