AFP, Bibili ng mga Modernong Kagamitan

INILIBAS NG defense department ang listahan ng mga bibilhing mga makabagong kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng modernization program.

Sinabi ni DND USEC FOR Finance, Munitions, Installations and Materiel Fernando Manalo na ang mga kailangang mabiling equipment na magagamit ng Philippine Army, Air force at Navy.

Inihayag ni  Usec Manalo na kanilang priority list ay pagbili ng 12 brand new Fighter Jets mula Korea, RADAR, Combat Utility Aircraft, Long range Patrol aircraft, Flight Simulator at Air Support Air Craft tulad ng OV-10 bomber plane.

Sa panig ng Philippine Army (PA) mga rocket launcher, handheld radios, night fighting system at mga tanke ang bibilhin sa mga ito.Sa Philippine Navy, dalawang Frigates ang bibilhin, amphibious assault vehicles, helicopters, MPAC at base support facilities.

Samantala, aa pagbili ng dalawang Frigate nasa stage na ang pamahalaan sa pagpili kungsaan ito bibilhin at magkakaroon ng preprocurement conference.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.