AFP at PNP, wala pa ring pondo sa Brgy. Polls

INAMIN NG pamunuan ng militar at pulisya na ilang araw bago mag-Oktubre 28 ay wala pa rin silang pondo para sa barangay elections.

Ito ay ang P500 milyong paghahatian ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na gagamitin sa pagbibiyahe at pagpapakain sa mga tauhang ikakalat sa buong bansa.

Ang AFP at PNP at ang magiging katuwang ng Commission on Elections (Comelec) sa pagpapanatili ng kaayusan sa araw ng halalan.

Sa ginawang command conference ilang linggo na ang nakararaan, inamin ng Comelec na pino-problema nila ang nasabing pondo dahil P100 milyon pa lang sa target na pondo ang kanilang hawak.

Samantala, ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Reuben Sindac, handa naman ang PNP na gampanan ang kanilang tungkuling bantayan ang eleksyon kahit kulang ang pondong gagamitin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.