AFP at PNP, Alerto sa RMNLF vs ASG

NAKAALERTO SA ngayon ang puwersa ng militar at pulisya sa probinsya ng Sulu hinggil sa sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng Rouge MNLF (RMNLF) at teroristang Abu Sayyaf na nag-umpisa kahapon ng alas-8:15 ng umaga sa may Kutah Kan Masarin, Brgy. Buhanginan, Patikul,Sulu.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay DIPO-Wesmin Commander PDir. Elpidio de Asis, nakasagupa ng grupo ni RMNLF Commander Ustadz Khabir Malik ang grupo ni ASG leader Radulan Sahiron sa pamumuno ng kanyang mga sub-leaders na nakilalang sina Hatib Hajan Sawadjaan at Amlon Abdon Abtahi alias Palo IVO.

Ayon kay de Asis, wala pa silang natatanggap na report hinggil sa 10 casualties na naitala sa panig ng MNLF.

Giit ng heneral, patuloy nilang mino-monitor ang nasabing labanan at lahat ng tropa ng pulisya at militar ay nakaalerto na para sa anumang “eventualities”.

Samantala, pitong casualties naman ang naitala ng Philippine Marines sa nasabing sagupaan, subalit hindi naman mabatid kung ang pitong casualties ay sa panig ng MNLF o Abu Sayyaf.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.