Advocacy film tungkol sa mga taong may Down Syndrome, kalahok sa World Premieres Festival- Philippines

Marielle Therese & Johan Santos In “Ku’te”

Marielle Therese & Johan Santos In “Ku’te”

Mula sa PRO.PRO, kwento at direksyon ni Direk Ronaldo “Roni” M. Bertubin at panulat ni Romualdo Avellanosa, ang “Ku’Te” ay tiyak na hahaplos sa inyong mga puso. Kasali ito sa World Premieres Festival- Philippines.

“Na-inspire ako sa isang kaibigang nagtatrabaho sa production na may kapatid na may DS, ulila, at handang gawin ang lahat para itaguyod ang kapatid. Sama-samang kuwento ng mga kaibigan at tao na may kapatid, kakilala, kamag-anak na may DS, pero iba-iba ang level ng pang-unawa at pagmamahal nila,” chika ni Direk Roni.

“Gusto kong patunayan na ang lahat, kung bigyan lang ng pagkakataon, maaaring maging asset at hindi liability sa lipunan, na ang mga taong may DS ay may kakayahan. ‘Di man kasing galing ng tunay na artista, pero totoo sa kanilang bawat kilos at galaw. Ang katotohanang yan ay ‘di lang nila makikita kundi mararamdaman pa kay Lenlen, na gagampanan ni Marielle Therese (na tunay na may DS) at ni Johan Santos, ang Kuya Emong niya sa pelikula.”

Kasama rin sa pelikula sina Maya Samson bilang Meding, Adrian Ramirez bilang Jeff, at Nico Gomez bilang Roldan.

Katuwang ni Direk Roni sa advocacy movie na ito ay ang Bounty Fresh (Chooks to Go), Wang Chu King Foundation (Mighty Corporation), Don Benito’s, at Rebisco.

Gaganapin ang festival mula June 29 hanggang July 10, 2016. Ang mga aktibidad para sa World Premieres Film Festival-Philippines ay magaganap sa Cinematheque Center Manila na matatagpuan sa 855 TM Kalaw St., Ermita, Manila.

Ang official “KU’TE” screening schedule: July 1 Gala Premiere (6pm) SM North EDSA Cinema; July 3 (7pm) SM North EDSA Cinema ; July 4 (7pm) SM North EDSA Cinema; July 7 (5pm) SM Megamall Cinema; July 8 (5pm) SM Megamall Cinema; at July 10 (7pm) SM Megamall Cinema.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.