Advertising Exec, Dinukot na Tinodas pa; Kaso, Blangko pa rin

NANANATILI PA ring blangko ang mga imbestigador ng Cavite PNP Provincial Office hinggil sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 25-anyos na advertising agency executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes matapos matagpuan ang bangkay nito sa bayan ng Silang, Cavite kamakailan.

Sinabi ni P/Senior Supt. Alexander Rafael, Cavite PNP director na patuloy na nanga­ngalap ng impormasyon ang mga imbestigador pero bigo pa rin ang mga ito hanggang sa ngayon.

Maaalala na noong Sa­bado ng umaga nang matagpuan ang labi ng biktima, marketing officer ng European Chamber of Commerce of the Philippines at senior account manager ng McCann Worldgroup Philippines sa ilalim ng Tibagan Bridge sa Barangay Sabutan na may palatandaang sinakal at sinaksak pa ito sa leeg.

Huling nakitang buhay si Davantes sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Biyernes ng gabi matapos dumalo ng kanilang company affair.

Base sa naunang report ng Silang PNP, nawawala umano ang biktima noon pang Biyernes hanggang sa matagpuan itong may gapos ng seat belt at may busal pa na panyo.

Narekober din ng mga awtoridad ang kable ng adaptor ng laptop na posibleng ginamit na pangsakal sa biktima habang patuloy pa ring nawawala ang kotse nitong Toyota Altis (PIM-966).

Samantala, si Devantes ay nagtapos sa De La Salle University ng Master’s degree in Marketing Communications at nagtrabaho ng 2-taon sa McCann agency bago pa ang kirmen.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.