Advanced relief goods sa Navotas

MAITUTURING NA napaghandaan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang magiging epekto ng hanging Habagat sa Kamaynilaan na hila ng bagyong Odette na nanalasa sa Hilagang Luzon nang mamahagi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng relief goods noong Setyembre 20.

Habang binabayo ng bagyo ang hilaga, sinamantala ng alkalde ang magandang panahon noong araw na iyon ng Biyernes at nagkaloob ng relief goods sa mga mangingisda at kanilang mga pamilya.

Kinalingguhan ay bumuhos ang napakalakas na buhos ng ulan na nagtuloy hanggang kinabukasan na naging dahilan ng pagbaha sa maraming  bahagi ng Kalakhang Maynila.

Aabot sa 2,000 katao ang nabiyayaan ng maituturing na “advanced”  na relief goods na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod.

Ang naturang aktibidad, na in-sponsor-an ng Global Oil Haus, ay inorganisa ng mga tanggapan ng agriculture at social welfare and development ng lungsod.

Ito ay upang tiyaking may makakain ang mga benepisyaryo sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.