Admin Officer ng TV Station, Nawawala

NAWAWALA ANG administration officer ng Finance Department ng ABS-CBN na si Dolly Cruz simula pa kamakalawa.

Lumalabas sa impormasyon, alas-9:11 ng umaga nang umalis si Cruz sa kanyang opisina sa ABS-CBN at nag-commute papunta sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region-7 sa Quezon City upang mag-asikaso ng mga dokumento.

Sinabi naman ng isa sa mga empleyado ng BIR, bandang alas-10:00 ng uma-

ga nang umalis si Cruz sa kanilang tanggapan ngunit wala naman silang nakitang kakaiba kay Cruz.

Hindi na bumalik si Cruz sa nasabing TV network at naiwan pa niya ang mga gamit sa kanyang mesa dahil tanging cellphone at wallet lang ang dala nito.

Nag-aalala na ang kanyang pamilya lalo’t nakagawian na nitong mag-text sa kanyang mga kaanak ngunit simula pa kamakalawa ay wala na silang natatanggap na mensahe.

Samantala, nananawagan ang kanyang mga kaanak sa sinumang nakakita kay Cruz na agad makipag-ugnayan sa kanila o sa DZMM at ABS-CBN.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.