Admin at Criminal Case sa Ilang Empleyado at Opisyal ng BI, Inirekomenda ng DoJ

INIREKOMENDA NG Department of Justice-National Bureau of Investigation (DoJ-NBI) fact-finding team ang pagsampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI).

Ito’y may kaugnayan pa rin sa pagtakas ng Korean national na si Park SungJun nito lamang Marso.

Base sa 15 pahinang ulat ng fact-finding team, inirekomenda nito ang pagsampa ng kasong bribery, paglabag sa section 3A ng Republict Act 3019, section 7 ng Republic Aact 6713 at grave misconduct laban kina Augustus Caesar Morales, Immigration Officer/Supervisor, Ma. Roselle Sacendoncillo, acting BI officer sa NAIA terminal 2 at Fernando Pedrajas na empleyado ng DoTC.

Pinakakasuhan rin ng gross neglect of duty at paglabag sa section 3 ng Republic Aact 3019 sina Atty. Arvin Santos, hepe ng Law and Investigation Division ng BI, at Atty. Jing Oliver Balina.

Habang pinaaalis naman sa lookout list si Immigration officer Anna Primerose Mati.

Batay sa ginawang pagsisiyasat na pinayagan umano ni Sacendoncillo si Park na makaalis ng bansa sa kabila ng pagiging isang pugante nito sa batas matapos masangkot sa investment scam sa South Korea.

Nakita rin sa CCTV ng paliparan na si Pedrajas pa mismo ang nag-escort kay Park mula sa departure hall patungong final x-ray examination area.

Samantala, umamin din si Sacendoncillo na pinayagan niyang makaalis si Park pero ito ay base na rin aniya sa instruction ni Morales.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.