Adik, Tiklo sa Buy-Bust

MATAPOS ANG mahigit sa isang linggong pagsubaybay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Drug Enforcement Unit ng San Miguel Police, nadakip na ang isa sa umano’y kilalang drug-user sa San Miguel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Marc Rivero kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang nadakip na suspek na si Jonathan Maniquiz Y Ramos, 33 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Tigpalas sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, dakong alas-7:45 ng gabi nang magpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga tauhan ng PDEA.

Nakumpiska mula sa suspek ang sampung plastic sachet na naglalaman ng Shabu, na nagkakahalaga naman ng P25,000.00.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, habang nasa kustodiya naman ng Bulacan Crime Laboratory ang mga nakuhang ebidensya.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.