Adik na binatilyo, kinatay ang buntis na ina at kapatid

CEBU CITY – NASA impluwensya ng droga ang isang 16-anyos na binatilyo na itinago sa pangalang John sa brutal na pagpatay sa kanyang 7-buwang buntis na ina na si Virgindina Bantilan at 5-anyos nitong kapatid na babae na si Geraldine sa Cebu kamakailan.

Si John ay dating miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na aminadong nalulong sa droga na anak ni Virgindina sa unang asawa na ang ikalawang mister ay seaman. Ang suspek ay bibihirang umuwi sa kanilang tahanan na madalas sa barkada nakikitulog.

Ang mag-ina ay kapwa tadtad ng mga saksak at pukpok ng matigas na bagay sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa testimonya ng suspek sa presinto, inamin nito na nagdilim ang kanyang isip nang makitang nakahiga sa papag na kawayan ang ina sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon sa suspek, nagtanim siya ng galit sa ina kaya niya nagawa ang krimen dahil inabandona siya nito noong magtrabahong domestic helper sa Hong Kong hanggang sa mag-asawang muli na ang naging anak naman ay si Geraldine.

Sinabi nito na akmang sisigaw ang kanyang kapatid na si Geraldine nang makitang pinagsasaksak niya ang ina kaya isinunod din niya itong pukpukin ng baril at pagsasaksakin.

Inamin rin nito sa mga awtoridad na ninakaw din niya ang P600 ng ina saka tumakas sa pinangyarihan ng insidente pero lumilitaw sa pagsisiyasat na nasa P50,000 ang ninakaw nitong pera sa ina at hindi naman nagalaw ang P428,000 na laman ng vault.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.