Adik na Ama, Hinostage ang Sanggol na Anak

SHOOT SA kulungan ang adik na ama ng tahanan matapos nitong gawing hostage ang sanggol na anak na babae makaraagn makatalo ang ka-live-in sa Malabon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt., Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon Police ang suspek na si Ramil Tindero, nasa hustong gulang ng Kamias St., Maysilo ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga, nakatalo ng suspek ang ka-live-in na si Jingle Santos sa loob ng kanilang bahay na naging dahilan upang itawag sa mga barangay tanod.

Nang makakita ng mga tanod ay kinuha ng suspek ang anak na 10 buwan ang gulang at ginawang hostage upang hindi maaresto.

Tumawag na ng mga pulis ang barangay hanggang respondehan kasama si Ampil na kinausap ang suspek hanggang sa mapapayag ang suspek na sumuko at nailigtas ang sanggol habang dinala sa presinto si Tindero.

Nabatid na ang suspek ay may problema sa pag-iisip.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.