Blind Item: Actress-politician, ‘di matanggap ang pagkatalo

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo ? Maloloka kayo dahil itong si actress- politician ay hindi lang mukhang bangag kundi banga talaga. Ha! Ha! Ha! Naku, itong si actress ay super taray raw dahil isa nga raw siyang pulitiko. ‘Yun ang palaging sinasabi niya kahit saan man siya magpunta. Itong si actress ay hindi matanggap-tanggap na talo siya ng isa ring actor-politician na noon ay sinasabihan niya na walang natapos at hindi marunong mag-English at kung anu-ano pa ang binabato niya sa actor. Nu’ng matalo siya ay doon na nagsimulang ang kalbaryo sa buhay niya. Lulong sa droga,inom dito, inom doon ang ginawa niya. Pati mga kaibigan niya sa showbiz ay inaaway niya.Nakakaloka si actress, ha! Ang nakakaloka ay kahit hindi na siya ngayon nakaupo sa puwesto ay nag-a apila pa ito sa batas. Ha! Ha! Ha! Kaya, ayun, tawa na lang nang tawa  ang mga dati nitong kasamahan Hmmmmm. Naku, ang clue ni actress ay komedyante ito na kailan lang ay nabanga ang kanyang car sa isang lungsod  sa metro manila. Yun na!

by Tita Swarding

Previous articleMiguel Mendoza, sasabak sa teatro – Boy Abunda
Next articleSupporters ni Willie Revillame, sumugod sa yate! – Cristy Fermin

No posts to display