Actress na wala nang karisma, binarat ang taxi driver!

PITIK-BULAG! SINO itong actress na ito na talaga namang walang nang karisma? Saktong-sakto kasi, isang taxi driver ang nagkuwento talaga sa akin, na itong actress na ito ay talagang nagpahatid sa paroroonan niya, at pinaghintay ito at pagkatapos ay nagpahatid ulit sa pupuntahan niya.

Nakakaloka kasi, ang metro ay pumapatak na. Akalain mo, kinuha pa ng actress ang number ng taxi driver at parang inuuto-uto ng lola mo, ‘te! Itanong mo kung magkano ang binayad? Hahaha! P50!

Kinabukasan, nag-text at nagpapasundo ulit sa taxi driver. Sinabi na lang taxi driver na hindi siya bumiyahe. Sa tingin mo naman, ‘te, makakaulit ka pa? Hahaha! Kahit sino ka pa? Siguro, kaya nasunog ang balur mo… hahaha! Nakakaloka talaga!

(By Tita Swarding)

loading...

2 thoughts on “Actress na wala nang karisma, binarat ang taxi driver!

  1. chin chin gutierrez..kahit na sino ka pa? which means “maging sino ka man” an abs cbn teleserye that casts chin chin gutierrez…nasunog ang balur (bahay) which we all know that it happens twice…!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.