Blind Item: Actor-TV host, kasuka-suka ang mabantot na hininga!

TAWA KAMI NANG tawa sa naging reaksiyon ng ilang kasama namin sa panulat nu’ng minsang mabigyan sila ng pagkakataong mainterbyu nang malapitan ang isang actor-TV host.

Ang saya-saya pa raw naman nila dahil bibihirang nagaganap ang ganu’n, mahirap daw masarili ang actor-TV host para sa isang panayam, kaya ang suwerte-suwerte nila.

Pero hindi pala suwerte ang naghihintay sa kanila kundi pagsakit ng ulo. Heto ang kuwento ng naging “biktima” ng aktor-TV host. basahin natin ang kanyang rebelasyon.

“Kani-kaniyang labas na kami ng tape recorder, ang sasaya namin dahil hindi naman madalas mangyari ang ganu’n, ‘di ba? Napakalapit namin sa kanya dahil may kaingayan ang paligid, close encounter talaga ang nangyari.

“Nu’ng nagsasalita na siya, nagpapakiramdaman na kaming magkakasama, meron kaming naamoy na mabaho, talagang super-baho na halos masuka na kami sa sobrang kabahuan.

“Napansin namin, nanggagaling ang amoy sa bibig ni ____ (pangalan ng actor-TV host), matindi ang bad breath niya, hindi kayang dayain ‘yun ng mouthwash lang o menthol candy.

“Alam mo ‘yung feeling na gusto mong masuka na gusto mong iuntog ang ulo mo sa pader, dahil sa sobrang baho ng naamoy mo? Grabe, hindi mo talaga mate-take ang bad breath niya,” kuwento ng isang biktima ng actor-TV host.

Marami pa raw sana silang itatanong sa actor-TV host, pero nagpaalam na sila agad, kapag itinuloy pa raw kasi nila ang interbyuhan, baka masuka na sila.

“Meron pa sana kaming itatanong sa kanya, ang dami-dami kasing kuwento tungkol sa personal niyang buhay ngayon, pero kami na ang nagpaalam agad, hindi na kasi kami mapakali.

“Nu’ng matapos na ang interview namin, para kaming nakalabas mula sa isang napakadilim na tunnel, nakahinga na kami nang maluwag, dahil wala na siya sa harapan namin. Ibang klase ang bad breath niya, parang amoy ebak ‘yun na amoy patay na daga!” Rebelasyon pa ng isang kasamahan naming manunulat.

Naamoy na rin namin ang hininga ng nasabing actor-TV host. Nakasama pa nga namin siyang maging hurado nu’ng minsan sa isang pa-contest. Nag-uumpisa pa lang ang labanan ng mga kalahok, gusto na naming matapos agad ‘yun dahil kasula-sulasok talaga ang kabahuan ng kanyang hininga.

Ang tanong ng aming mga kasamahan na tanong na rin namin, paano kaya natitiis ng kanyang karelasyong aktres ang matinding amoy ng kanyang hininga? Immune na siguro ang aktres kaya parang balewala na lang ang bad breath ng kanyang mahal.

Sabi nga ng isang maarteng TV host, “Eeeeeeewwwwwww!!!”

by Cristy Fermin

loading...

29 thoughts on “Blind Item: Actor-TV host, kasuka-suka ang mabantot na hininga!

  1. Ryan Agoncillo, nangyari yon ng interviewhin sya tungkol sa kaganapan sa anak nyang si Lucho….. pero mas lumayo si Ryan ng maamoy naman nya ang hininga ni Cristy at pagmumukha.

  2. AKO PO BADBREATH KASI NAKAKAKUHA NG KULAY PUTI SA LALAMUNAN KO UNG TONSIL STONE B UN??? TAPOS PAG AAMUYIN ANG BAHO??? AMOY EBAK??? PANU BA MATATANGGAL UNG TONSIL STONE??? KASI PAG NATATANGGAL BUMABALIK DIN??? HELP ME PLEASE???

  3. luis manzano? angel locsin ang gf and ung maarteng actress could be anne curtiz or marielle rodriguez? hmm…hehe

  4. HURADO SA PA CONTEST, ACTOR-TV HOST, MARAMING KUWENTO TUNGKOL SA PERSONAL NIYANG BUHAY? HINDI KAYA SI OGIE ALCASID ITO? MUKHANG PUSTISO ANG NGIPIN.

  5. Kahit sino o ano pa man yang laman ng blind item, hindi maitatago ang nakakasulasok na katotohanang isa nang laos, walang career, mapanira, mapanghusga at higit sa lahat walang breeding yang si CRISTY FERMIN.

    heller? kailangan pa bang isaksak sa kokote ng bruhang yan kung bakit sinipa siya ng ABS-CBN?

    dahil ang ugali niya BASURA!
    nakarma na ng ilang beses, hindi pa rin nagbago ang ugali.
    mamamatay siyang bitter, hated at higit sa lahat, basura!

  6. sus! tagal na yan..bina-blind item pa ba yan e tagal nang pinangalanan si ryan agoncillo… nasa gma pa lang sya e natsismis na yan..

    di naman nya sinabi na GF… karelasyon po ang sabi nya, meaniing could be a wife or GF.

    for sure taga abs yan kase nakasama ni cristy sa pagjajudge sa isang contest.

  7. amoy sigarilyo, yes.
    pero hindi bad breath si Ryan.
    ryan has a good hygiene.

    si cristy fermin ang mabaho ang hininga, pati pagmumukha ni Cristy Fermin ay mabantot.
    bitter kasi yang si Cristy Fermin kaya ganyan.

    ang mga writers na iyan ay hindi lang mabantot,
    itsura din nila ay mabantot.
    pag nakita at naamoy nnyo ang mga writers na iyan
    ang papangit at mabaho.

  8. For sure hindi si Ryan A. dahil karelasyon ang sabi sana sinabing asawang aktress at hindi rin si jake cuenca either dahil may karelasyon daw wala naman girlfriend si Jake ngayon… i think si Derek R. or Luis M. kasi in demand sila ngayon movies and tv..

  9. Whoever it is….

    Ang bad breath hindi neccessarily nangagaling sa bulok na ipin, hindi pag-toothbrush, o sa pagkain ng bawang, etc.

    Puede ring manggaling ang bad breath sa tonsils. There is this thing called tonsil stones or tonsilloliths na namumuo sa loob ng tonsils and it’s normal and more common than we think. It’s a combination of food particles, bacteria, dead white blood cells, etc. You would have to use your finger to press on your tonsils top pop them out. This person could also get their sinuses checked baka may sinus infection sila dahil puede ring maging cause yon ng bad breath.

  10. Ryan Agoncillo po yan, everybody knows about it, ano ba kayo! itanong nyo pa kay juday, labs naman kasi nya kaya natitiis na lang nya.

    • i’m sure hindi magtitiis si Juday kung bad breath si Ryan.
      hindi naman pathetic si Juday para tiiisin yon.
      hindi martir at hindi stupid si Juday., sa tagal ng balita na iyan, i’m sure she’ll do something about it. pero hindi nga totoo ang imbentong blind item kaya they are still together.

  11. ang hirap kasi sa mga writer na ganito, nagtatago sa blind item, kung matapang ka at sigurado ka sa mga info mo, magsabi ka ng pangalan, para hindi mag-mukhang imbento lang. hay makapanira na lang talaga!!!

  12. si ryan a? hala! hihihi pwede rin kasi parang iba kasi yung set of teeth nya parang sa dinosaur. joke! :D

  13. Kayo naman, di nyo pa alam yung tinutukoy na actor/tv host? Open secret na yan sa showbiz kung sino sya.. Si Ryan A.

    • ryan a?kung sabagay siya ang laman ng interviews lately…pero prang di namn sya..mukha namang may good hygeine at diba gf..eh may asawa na sya

    • hindi po iyan open-secret. iyan lang po ang gustong palabasin ng mga bitter na writer na hindi belong sa grupo nina juday at ryan. kaya sila nag-iimbento at naninira. alam naman ng mga fans na may lihim na galit at inggit si Cristy Fermin sa kampo nina Juday at Ryan.

  14. ano ba naman yang mga artistang yan ala ba silang pera para di makapunta ng dentista? o baka piti sila na immune na sa baho ng hinhinga nila? :D

  15. sino bang actor na tv host din na may girlfriend…si gab v. oh no..not luis manzano…who else i cant think of anybody..si zanjoe..si derik di naman sya host…baka sa kabila..i hope so,.

Leave a Reply

Your email address will not be published.