Actor-Politician, nagwaldas ng P22-M sa casino!

BLIND ITEM: KAGAYA ng mga nagsulputang on-line casino, sumabay rin ang pagdami ng mga artista’t pulitiko na nakikita sa nasabing sugalan. Isa si actor-politician na nagpatalo ng tumataginting na P22 milyon sa isang gabi lang! Naimbitahan daw ito ng mga kaibigang maglaro sa isang malaking casino, kapalit ang pagpapalakas ng isang branch na pag-aari nito. Ayon sa aking nakalap, casino rin ang isa sa mga negosyo ng maperang aktor-politiko.

Ang nasabing casino ay matatagpuan sa isang sikat na hotel tanaw ang ganda ng paglubog at pagsikat ng araw. Isang eksklusibong kuwarto at malinis na bilyaran ang lagi nitong request sa kanyang staff. Bukod sa mga staff, maging ang kapartner nitong negosyante ay nata-taranta tuwing dadalaw ito, kaya maaga nitong pinapapasok ang mga staff para maasikaso at mapagbigyan ang kagustuhan ng VIP actor-politician.

Mabait naman at galante si actor-politician. Sa katunayan, sa tuwing dadalaw sa branch ang mga kaibigan nito, maaa-ring kumuha ng isang daang libong piso panlaro sa kaha ang mga ito, sabihin lang under his name. Malimit daw dumalaw sa kanya ang isang magaling na character actor na mahilig ding magdidikit sa mayayamang tao.

Ruffa at dyowang foreigner,spotted sa b-day party ni Tim Yap!

Naimbitahan kami sa celebration ng kaarawan ni Tim Yap na ginanap sa Opus Bar sa Resorts World. Maraming kaibigan at mga business partners ni Tim ang dumalo, kabilang ang mga celebrity na sina Raymond Gutierrez, Yasmien Kurdi, Liz Uy, Tessa Prieto-Valdez, at mga kaibi-gang models.

Namataan din namin ang pagdating ni Ruffa Gutierrez, ka-date ang isang foreigner na nababalitang suitor nito, o boyfriend na ba?

Bumaha ng mga inumin at pagkain sa nasabing selebrasyon, at nagbigay pa ng sexy song and dance number ang kaibigan din ni Tim na si Solenn Heussaff.

Nang tanungin namin ang birthday wish ni Tim: Peace, peace… love, love! At sana raw, ‘wag na siyang gawan ng ‘di magagandang intriga ng iba, at makipag-usap na lang sa kanya ang mga ito.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “Actor-Politician, nagwaldas ng P22-M sa casino!

  1. Pang ilang lalaki na ba itong na link kay Ruffa dito sa article na ito, foreigner date daw spotted sa b-day party daw ni Tim Yap.

Leave a Reply

Your email address will not be published.