Actor na dating heartthrob, ‘di totoong inalok na mag-host sa noontime show?!

OLA CHIKKA! NALOKA naman ako dito sa number 1 fanatic nitong aking kumareng si Imelda Papin. Paano ba naman ay halos hindi lang ako ang sumakit ang ulo nang sabihin niyang masaya siyang hindi natuloy ang pagiging senador ni Imelda, dahil kung nagkataon ay tuluyan na raw siyang makalilimutan nito at hindi na sila makapagsasamang muli.

Aning talaga, dahil matapos niyang itaas ang kamay ni Imelda noong kampanya ay halos masaya pa siya na hindi nanalo. ‘Di ba ang gulo? Matapos magpagod para lang makuha ang boto, ganu’n lang ang sasabihin ni Mommy Dionesia?

Hindi man lang niya naisip ang nararamdaman ng kanyang idolo. Kunsabagay, kahit ano naman ang ginagawa ng ina ng ating Pambansang Kamao ay hindi nakakapikon.

Ibig sabihin, anuman ang sabihin niya, parang hindi ganu’n kabigat ang dating. ‘Yung hindi nakao-offend, dahil nakakatawa talaga.

Kaya malamang itong si kumareng Imelda ay walang kahit anong sama ng loob kay Mommy D at siguro ay natuwa na rin dahil sa kakaibang pagmamahal at paghanga na ipinakita sa kanya. Ay, naku! Mommy D, huh, naaadik ka na kay Imelda… hindi kaya sumunod na isyu ay tomboy ka na? Ha-ha!

ISA PANG NAGPASAKIT sa ulo ko ay itong naglabasan na isyu tungkol sa mga JEJEMON na hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang naglabasan mula sa dyaryo, telebisyon at ngayon ay naapektuhan na rin maging ang DepEd at ang Simbahan.

Ang mga Jejemon kasi ay ‘yung mga tao na exaggerated manamit, ‘yung tipong size ng kanilang suot ay laging extra large yata, malaking damit, sombrero, mga alahas at kung anu-ano pa. Maging ang paraan ng kanilang pag-spelling ng salita sa cellphone at computer ay iniiba nila tulad ng “kamuztah nhA ph0e? e0w e0w!! 3L0w!” O, ayan naiintindihan n’yo ba? Hangga’t maari ay ayaw ko na silang pag-usapan dahil napakawalang saysay. Maraming problema ang dapat pang pagtuunan ng pansin, ngunit bakit pati ang Simbahan at DepEd ay naaapektuhan na rin? Kaya paalala sa mga magulang na huwag kunsintihin ang ganitong pamumuhay ng mga anak, lalo na pagdating sa spelling dahil hindi lang sila sa text at computer masasanay nang ganu’n, kundi maging sa kanilang pag-aaral. kAya ph0e mAG-eEngat tAy0e, e0w!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong actor na dating heartthrob ng kabataan na napapabalitang in-offer-an daw maging host ng isang variety show? O, ayan given agad, ah!

Ayon kasi sa aking parazzi girl, hindi totoong in-offer-an ang actor na ito na maging host ng nasabing show dahil tapos na ang kontrata nito sa station at kalilipat lamang niya sa ibang bakod, ‘di ba mga kapatid?

Kaya imposible raw na bigyan pa siya ng ganu’ng project. So ano’ng ibig sabihin nu’n mga kapatid, gumagawa lamang ng eksena itong dating heartthrob?

Gusto n’yo pa ba ng clue? Ay, naku ang aga-aga hindi n’yo mahulaan?! Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleDahil sa ‘indefinite break’: Willie Revillame, malalaos na?
Next articleErich Gonzales, ibinuking ng mga kaibigan!

No posts to display