ACTION STAR, HINDI PINAPASOK NG ASAWANG AKTRES SA BAHAY NILA?!

AYAW LANG SIGURONG maging broken family ng isang dating junior action star kung kaya hinahabaan niya ang pasensiya sa kanyang asawang aktres. Minsan kasi ay tinopak ito. Lahat ba naman ng kasambahay ay inutusan nitong isara ang lahat ng pintuan ng kanilang bahay at wala raw papapasukin.

Siyempre, utos ng amo, kaya sunod naman lahat ng kasambahay. Ang kaso, wala pa pala sa balaysung ang actor dahil may taping ito. At nang umuwi ito, nagulat na lang dahil hindi siya pinagbuksan ng mga maid of cotton. ‘Yun daw kasi ang bilin ng kanyang asawa, na walang papasukin kahit na sino.

Pilit na lang inunawa ng actor ang kakaibang trip ng kanyang misis. Nang sumunod na taping ng actor, kaagad na nagbigay ng warning ang alalay nitong ‘wag biruin ang kanyang amo dahil kulang pa ito sa tulog.

Sinex ang actor? Well, hindi na siya active sa paggawa ng pelikula pero may show pa siyang may pagmamahal sa isang hayop ang tema. Ang dyowa naman niya ay nabantilawan ang pagbabalik at ngayon ay on-hold yata ang beauty sa nilipatang network dahil sa attitude problem nito.

Gets n’yo na?

(Alex Brosas)

loading...

3 thoughts on “ACTION STAR, HINDI PINAPASOK NG ASAWANG AKTRES SA BAHAY NILA?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.